I HATE my life.
Like, why do I have to experience this kind of life?
Lumaki ako sa lola ko. Buong buhay ko si Lola ang kasama mo. Oo, siya lang at wala nang iba. Simula pagkabata, hanggang sa magkaisip at hanggang sa maging dalaga na ako.
Ang sabi kasi ng lola ko, namatay daw ang mama ko noong sinisilang niya ako. Hindi niya raw kinaya. Kaya nga hanggang ngayon, sinasabi ko sa sarili ko na sana pala, hindi nalang ako sinilang dito sa mundo. Sana hindi na lang ako nagkaroon ng buhay. Edi sana buhay pa ang mama ko ngayon. Ako yung dahilan kung bakit siya nawala. Ako yung dahilan kung bakit wala na siya ngayon. Naghirap siya saakin ng siyam na buwan. At mas lalo siyang nahirapan nung isinilang niya ako. Sana talaga ako nalang yung namatay hindi na siya. Hanggang ngayon, naiiyak parin ako sa twing naalala ko yun. Ang Tatay ko naman daw, iniwan ang mama ko. Binuntis lang naman niya si Mama at umalis na. Napaka tarantado lang diba? Simula nung malaman niyang nagbunga yung pagsisiping nila noon, umalis siya at hindi na muling nagpakita kay Mama. Pero si Mama naman, hindi daw siya tumigil sa paghahanap kay Papa noon. Kung saan saan daw nagpupunta si Mama noon, hinanap niya kung saan saan ang Papa ko habang pinagbubuntis ako.
Ang sabi pa ng lola ko, nahanap daw ni Mama si Papa noon, pero laking gulat na lang daw ni Mama nung malaman niyang may pamilya na ang Papa ko noon. Ang gago pala ng tatay ko. Siguro kung naabutan ko lang siya, malamang mapatay ko siya. Napakawalanghiya niya. Ang lakas niyang iwan ang Mama ko, tapos hindi niya man lang sinustentuhan ang mama ko noong pinagbubuntis niya ako.
Kung nakakapatay lang siguro ng tao ang sobrang GALIT malamang, dati pa patay yung tatay ko ngayon.
Sobrang drama ng buhay ko. Nung bata ako, walang gustong makipaglaro saakin. Walang gustong manghiram ng laruan saakin. Wala akong ibang kalaro noon, kundi yung mga dolls ko. Naiinggit ako sa ibang bata noon na masayang naglalaro samantalang ako, nasa loob ng bahay habang pinagmamasdan sila sa labas. Ang saya saya nila tignan. Sana ako rin ganun kasaya.
Hanggang nung mag-aral ako nung elementary, wala akong kaibigan. Walang gustong makipag-usap saakin, walang tumatabi saakin sa upuan. Pagka uwian na, yung ibang bata, naglalaro sila, samantalang ako, diretso uwi na. Kapag naman may kakausapin ako, lalayo sila saakin.
Hanggang sa magka-isip na ako, doon ko lang narealize na, ano bang mali sakin? Ano bang meron sakin? Bakit hindi nila ako gustong kaibiganin? Bakit walang gustong makipag-usap saakin. Sobrang daming tanong sa isip ko nun. Tanong na walang sagot at siguro kahit kailan hindi mabibigyan ng sagot.
Ngayong nagdalaga na ako, akala ko may magbabago. Akala ko madali nang makahanap ng kaibigan, pero nagkamali ako. Mas mahirap pa pala ang dadanasin ko. Mas okay na yung mga panahon na bata pa lang ako at walang gustong makipaglaro saakin.
Pero ngayon, marami nga akong naging kaibigan pero walang naging TOTOO sakanila. Sobrang uhaw ako sa atensyon noon, kaya sobrang saya ko nung nagkaroon ako ng kaibigan.
Ang saya saya ko, tuwang tuwa ako, kasi finally may taong pumansin saakin, may taong nakita ako. Pero, PANANDALIAN lang pala lahat ng saya, tuwa at atensyon na yon.
Ngayon ko lang nalaman na, hindi lahat ng kaibigan mo, totoo sayo. Hindi lahat ng kaibigan mo, kailangan pagkatiwalaan mo. Alam na ng marami ang storya ng buhay ko.
Ang sakit pala ma TRAYDOR noh? Ang sakit palang MALOKO. Ang sakit palang masaktan. Akala ko sa PAG-IBIG lang yun mararanasan e, hindi pala. Lahat pala ng bagay masasaktan ka, maloloko ka, matratraydor ka.
Palagi kong iniisip, kung ano bang plano saakin ni God. Kung plano niya lang ba akong, pahirapan habang buhay.
Buong buhay ko, ang naramdaman ko lang, saglit na saya, saglit na tuwa at mas nangingibabaw yung LUNGKOT, SAKIT, TAKOT AT KABA.