'' Knowledge cannot replace friendship.I'd rather be an idiot than lose you''
--Patrick to Spongebob
Big Red POV:
"So nandito na ba silang lahat?" tanong sakin ng kaharap ko at hanggang ngayon di pa rin mawala sakin yung shock na binigay niya sakin kanina. Ang tindi naman kasi ng transformation niya nakakanganga talaga.
"Kami palang ni Brix ang andun sa school kanina, ewan ko nalang ngayon. Grabe, ikaw ba talaga yan? Seriously? Kung aalalahanin nga naman yung noon at ang ta--" sinubuan nya ang bibig ko ng french fries.Oo nga pala nasa restaurant kami na malapit sa school, eto yung dating tinatambayan namin at dito rin kami nagpart-time nung kinapos kami since close na kami ng mga crew dito kaso nga lang halos lahat ng babaeng customer pinormahan ni Neil.
"Nakagraduate ka lang ng college maka-English ka na ngayon ahh.IMPROVING!" sabi niya at nag-apir pa kami. Buti naman at napansin niya LOL naman successful chef/businessman na ako ngayon.
"Eh ikaw? Kumusta naman ang lovelife mo? Maraming nagkakandarapa sayo ah. May girlfriend ka na ba ngayon o flings lang?" curious kong tanong pano ba naman sulitin na natin to kasi laging missing in action tong lalaking to. Pero napanganga niya na naman ako ng may nilabas siya na maliit na box na red.
"Tol, di tayo talo!!" sigaw ko kaya nagtinginan yung mga tao dito sa loob ng restaurant.
"Baliw, magpapatulong nga ako sa inyo eh!"
"Grabe, ikaw na!! Tinalo mo pa si Brix."
"Nga pala, naalala mo pa yung nagtrabaho tayo dito? This place surely brings back many memories"
"Eh naalala mo pa yung photog club?"
"Naman, second home!!"
FLASHBACK----
"Students, in your seats please. Sabi ko pag-usapan ninyo ng mabuti ang pagsali or paggawa ng mga club then save your campaigns for later hindi mangampanya na ngayon!! Especially you and your colleagues, Fred. Tandaan niyo kayong 9 ang bumagsak sa exam at character grade at project nalang ang mag-aangat ng grade niyong bagsak kaya please, tumahimik kayo"
Sus, kami na naman ang nakita, nandito na nga sa likod para di gaano pansinin eh. Makakain na nga lang kesa naman problemahin ko pa tong teacher na to. Dumukot ako ng moby sa bag ko at pinakinggan nalang ang barkada ko.
"Partipipol, sumali kaya tayo sa Drama Club! Balita ko maraming artistahin dun" suggest ni Neil habang kumikislap ang mata niya.Kaya pati mata namin kumislap din sa imagination.
"Oo nga ang tanong kaya ba natin pumasa sa auditions?"sabat ni Blix at sinara yung binabasa niyang Divergent.
"Edi maghanda tayo ng group performance" nakangising sagot naman ng kambal niyang si Brix. Kahit kelan talaga di ko malubos maisip kung bakit ang layo ni Brix kay Blix.
"Oo tama si twinbrother mo Brix hindi natin keri yung Drama cheerleading nalang tayo tas ako yung nasa taas ng pyramid!" malanding suggest ni Kris, talaga naman.Minsan iniisip ko kung pano namin to naging katropa tong baklang to eh.
"Kung ikaw kaya yung batu-batuhin sa ere!" epal naman ng ever bad boy na si Fred.Aso't pusa sila ni Kris kasi dati yung 1st love ni Fred nagkagusto kay Kris at di matanggap ni Fred na pinaiyak yun ni Kris ng dahil sa kabaklaan niya.
"Haay, kelangan natin ng fallback in case na di tayo makakapasok sa Drama Club.Try out din tayo sa ibang club"-Jovani na parang di narinig yung cheerleading ni Kris.So far, siya yung pinakamabait dito sa tropang to.
BINABASA MO ANG
The Boys' Club
Teen FictionEver wonder kung ano ba talaga ang high school life,friendship,love at trials sa mata ng guys? Minsan naiisip natin wala silang pakiramdam at walang panama ang pana ni kupido sa sobrang manhid nilang puso pero nakakalimutan natin na tao lang din sil...