RMQ *Chapter One*

82 1 0
                                    

*Chapter One*

 NOMMIQUE’S POV

Maaga kong natapos ang school works and paper works ko sa opisina. ‘Pag tapos kasi ng klase ay dumidiretso na ako sa opisina para naman sa mga naiwang trabaho roon.

Kapag wala ako, at may klase. Nariyan ang kapalit ko bilang CEO ng kompanya na si Mr. Guazon. Siya ang kumopkop sakin at nagpatakbo ng kompanya na naiwan ng mga magulang ko. Sya rin ang tumayong mga magulang ko. Abogado sya noon ng pamilya namin. At ngayon ay patuloy pa rin ang serbisyo at katapatan sa akin. Siya lang ang nakakaalam ng lahat-lahat.

“This way Ma’am” magalang na nakayuko ang isang empleyado ng restaurant na ito habang ginaguide ako sa VIP room ng naturang lugar kung saan naroon ang imi-meet ko.

Nandito na ako ngayon sa **** Place kung saan ay may kikitain akong isang mahalagang tao. Mahalaga sya sa ngayon dahil sa information na hawak nya. Pero pag nakuha ko na? Parang basura na sya sa’kin. An’sama ko ba? Ganyan din naman sila sa’kin. Mahalaga lang ako sa kanila dahil sa pera ko.

Nang makarating naman kami sa harap ng pinto ng sinasabing room ay agad kong pinaalis ang empleyado na hindi ko napansin na sya pala ang Manager nitong restaurant akala ko kasi isa lang sa mga empleyado.

Nang pumasok ako, agad kong nakita ang lalaking nakatalikod sa akin at may kausap sa phone. Actually, hindi ko pa nakita ever since dahil maingat kong pinapangalagaan ang pangalan ko at nang kompanya. Ayokong madawit ito sa aking personal issues like this.

Ilang sandali pa ay lumingon ito at agad na ibinaba ang phone nang naramdaman ang presensya ko.

“I’m sorry about that Miss Hamston. Can you please take a sit” paumanhin nito at inilahad sa akin ang upuan sa harap nya.

Medyo matanda ang lalaking ito na nasa mid-30 na ang edad kung hindi ako nagkakamali. Nakasalamin, matangos din ang ilong at may bigote.

“This is all the informations you’ve all lookin’ for, including the dates and places.  ” aniya at humigop sa kanyang kape.

“Well, thanks Mr. Shin. I expected this. Alam ko talagang kayo ang makakahanap ng mga ito at hindi nga ako nagkamali sa inyo.” Pagpupuri ko naman sa kanya na may kasamang ngiti. Sa pagkakataong ito, ngumiti ako nang bukal sa puso ko dahil sa wakas ay makakapaningil na din ako sa mga taong nagkakautang sa’kin. Not only me but my whole family. *evil smirk*

-Kinabukasan-

Maaga akong pumasok sa school dahil exam na rin naming.Bukod sa pagmamanage ng iba’t ibang negosyo, nagaaral pa ako ng college na nagyon ay nasa huling taon na ako which means gagraduate na ako ngayong taon.

Another typical day, ano pa nga ba? Syempre ako si Nommique na hindi nag eexist sa eskwelahang ito. Actually sa apat na taon kong pagsstay dito ay parang hangin lang ako.Iniiwasan kong ma-involve sa kahit anong issues or whatsoever activity ng school. Isa lang akong simple estudyante na nagaaral ng mabuti at nais makapagtapos.

Yung mga kaibigan ko kasi noong high school ay isa-isang nagmigrate sa iba’t ibang bansa. Kaya ngayon ay naiwan akong mag-isa rito sa Pilipinas.

Never din akong namansin ng kahit sinong nagpapapansin na lalaki. Sa sobrang busy ko. NBSB pa rin ako hanggang ngayon na 19 years old na ako. Well, napag iwanan na nga yata ako ng panahon. Kung iisipin ay wala nang ganitong babaeng tulad ko, kung meron man sure akong endangered na sa panahon ba naman ngayon, nagkalat na ang mga b*tch. Like hello? 2018 na. 1990’s pa din sakin .

*sighed*

Ilang sandal pa ay nagsimula na ang exam at mabilis ko naman itong natapos dahil nagreview naman ako kanina kaya ngayon ay papunta na ako sa parking lot para kunin ang kotse ko. Wala akong driver dahil sabi ko nga, nagpapakasimple tlaga ako. Kahit simple naman tlga.

Nang makarating ako sa harap ng kotse ko ay binuksan ko ito at akmang papasok nang may nahagip ang mga mata kong pamilyar na mukha.

‘Parang nakita ko na sya. Hindi ko lang matandaan kung saan?’ sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang lalaking nasa di kalayuan at may kausap sa phone.

-END-

A/N: Hmm, sino kaya yun ? :)

Abangaaaaan ^__^

Salamat din sa mga nagbabasa ng story ko at sa mga magbabasa pa :)

-JennyCha :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of a Mafia Queen[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon