Chapter 1: Feeling Alone

70 1 0
                                    

Chapter 1: Feeling Alone.



Sabi nga nila "The purpose of our lives is to be happy." pero sandaling saya lang ang naranasan ko. Because of him, I know the meaning of happiness.. I don't know what to do now, and the only way that i can do, is to set him free. For Everyone's sake, for Miah's sake. Nagparaya ako pero anong naging result? Ako pa rin ang masama, ganon naman talaga ang buhay eh, puro mali lang ang nakikita nila sa'yo. Para bang hindi ka na gumawa ng tama. May mga tao rin na hindi marunong maka appreciate ng mga bagay-bagay.


Graduate na ako at nag enroll ako sa university na malayo kila Miah at Kayzee. Pero sadyang mapag laro ang tadhana dahil nag enroll sila sa university kung saan ako mag aaral. I think sinadya talaga ni Miah 'yun.


Pero wala na ako magagawa doon.



Nandito ako ngayon sa isang bodega ng school ko. Napansin ko ito kanina habang naglalakad ako, naghahanap kasi ako ng bagong tatambayan kapag malungkot ako. Katulad nung sa dati kong school, rooftop ang madalas kong tambayan kapag gusto ko makapag isa. Kaya nag ikot ikot ako para makapag hanap ng bagong tambayan, and thank God madali ko itong nahanap. Wala kasing rooftop ang university na ito.

Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana ng bodega at nakikita ko ang mga nag lalaro ng soccer, kitang kita kasi mula dito ang soccer field.

Naalala ko na naman si Kayzee, agad na naman tumulo ang mga luha ko. Ilang araw na akong umiiyak dahil sa kanya. Pero hindi ko ito pinapakita sa mga tao, maski sa daddy ko. Never kong pinakita sa mga tao na mahina ako.



Napapitlag ako ng biglang may nagsalita. "Don't waste your tears because of the person who hurt you so much. They're not worth it." -sabi niya. Pinunasan ko muna ang mata ko at humarap ako sa kanya nang nakakunot ang noo.



"W-who are you?" -Malamig at nakakunot noong sabi ko.



"I'm kurt." -Tipid na sabi niya. Natatandaan ko na siya, siya yung nanliligaw kay Miah dati, pero hindi ito sinagot ni Miah. Hindi nalang ulit ako kumibo dahil nahihiya ako sa kanya, nakita niya kasi akong umiiyak, siya lang ang pangalawang nakakita, una kasi si kayzee. Pumikit ako ng mariin, gusto ko na siyang makalimutan.



Dumilat ako ulit nakita kong seryoso siyang nakatingin sa'kin. Na conscious naman ako dahil sa tingin niya. "B-bakit g-ganyan ka maka tingin." -Nahihiyang sabi ko.



"Wala lang, para kasing ngayon ka lang umiyak ng ganyan at mukhang ako ang pangalawang nakakita." -Walang emosyon na sabi niya. Pa'no niya nalalaman iyon? masyado ba akong halata? Pero magaling ako mag tago, lalo na sa emosyon pero mukhang magaling siya.



"Psychology ang course ko kaya alam ko ang bawat kilos ng tao at kahit ikaw pa ang pinaka magaling mag tago, malalaman at malalaman ko ang emosyon ng isang tao." -Seryosong sabi niya. Parehas kami ng course, psychology din kasi ang course ko.



"At mukhang ngayon ka lang din nakipag usap ng matagal sa isang tao." -Sabi ko. Halata kasi sa kanya. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko, and i smell something fishy, mukha siyang cassanova. I don't want to judge but karamihan kasi sa mga gwapo ay playboy. No hard feelings and no bitterness involved.



"At ikaw naman mukhang mahiyain at pilit tinatago ang totoong ikaw." -Walang emosyon na sabi niya. Shocks! bakit ba ako nakaencounter ng ganitong tao. Napaka talino niya at mukhang wala ka talaga malilihim sa kanya.




Napapailing nalang ako, at yumuko dahil sinusumpong na naman ako ng pagkamahiyain ko. Naglakad ako nang nakayuko, makakasalubong ko siya dahil malapit lang siya sa pintuan, bago pa ako makalabas agad niyang hinawakan ang braso ko, at para naman akong nakuryente sa hawak niya kaya agad akong napabitaw na parang napaso. "Huwag mong hahayaan na mabuhay ka sa mundong puro kasinungalingan lang at puro pakitang tao. sabi nga sa nila 'Be Yourself.'" -Cold na sabi niya at umalis na. Natulala naman ako sa sinabi niya.






*************************************************


A/N: Kamusta naman 'yun diba? haha. Grabe! nanginginig ako dahil sa lamig ng boses ni kurt! haha chos!  Ano? nagustuhan mo ba? hehe sensya na kung hindi mo nagustuhan, wag mo nalang basahin kung di mo naman gusto :)

Guys! Thanks! :D God Bless you all!

Ms.Shy Meets Mr.Confident Slash CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon