Prologue
Kailan nga ba ako huling umiyak at nasaktan?
Ngayon lang ulit ako nasaktan ng ganito pero iba ito sa lahat. Siguro dahil minahal ko ng lubos itong lalaking nasa harapan ko. Sobrang sakit naninikip ang dibdib ko na parang pinipiga at para akong mahihimatay yung tipong konting pitik lang sakin ay matutumba na ako.
"I'm breaking up with you." -walang emosyong sabi ko pero deep inside sobrang nasasaktan ako.
"Is that what you want? Then, let's break up. Tutal wala namang patutunguhan itong relasyon na 'to." -Cold na sabi niya. Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Face me and look at me in the eyes. Kahit sa huling pagkakataon masabi ko sa'yo 'to." -He said. His voice is broke. Mariin kong pinikit ang mga mata ko pinipigilan kong 'wag maiyak. Nang handa na ako ay buong tapang ko siyang hinarap at tinignan ng deretso sa mga mata. Pinigilan kong wag magpakita ng kahit anong emosyon.
Tinitigan niya muna akong mabuti parang kinakabisado niya ang bawat anggulo ng aking mukha "Mahal na mahal kita. Kailan man hinding hindi kita magagawang lokohin." -Sabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil may tumulong luha mula sa kaliwang mata niya. Agad siyang tumalikod at naglakad paalis, kaya hindi ko narin napigilan ang sarili ko agad bumuhos ang mga luha ko, napaluhod ako dahil nanghihina ako hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at marahan na kumuyom ang kamay ko at mahina ko iyong pinalo dahil naninikip ang dibdib ko.
Bakit ba sa tuwing masaya ako saka naman dadating ang pinaka mabigat na problema sakin? Wala na ba ako karapatang sumaya? Bakit ba ang lupit ng tadhana sa akin? Ano bang naging kasalanan ko? Wala naman akong tinatapakang tao ah? Why do I have to experience this? Why!? Ang daming tanong sa isip ko na wala naman kasagutan. Parang buhay ko, walang kasiguraduhan, hindi alam kung anong magiging buhay sa hinaharap
Unti unting dumilim ang aking paningin, parang buhay ko na puro dilim. Nabubuhay ako sa mundong puro kadiliman.. The next thing I knew, I break down.

BINABASA MO ANG
Ms.Shy Meets Mr.Confident Slash Cassanova
Teen FictionNabibili ba ang salitang 'happiness?' Dahil kung oo gagawin ko lahat mabili lang 'yan. © All Rights Reserved 2015 || MSstranger097 ||