Saints University High School, 2005

15 0 0
                                    

Lauren

Fourth year high school na ako. First day ngayon. Nasa Covered Courts ang lahat ng estudyante ng University, from Grade 8, Second Year, Third Year at Fourth Year. Naglalakad ako ng mabilis kasi, as usual, late na naman ako. Nasa right side pa naman 'yung entrance tapos 'yung upuan ng mga Senior nasa pinakaleft side pa ng Covered Courts kaya double time talaga. Nang makita ko ang sign board na may "4-G" tumakbo na ako at hinihingal na umupo sa bakanteng upuan na may bag sa tabi ng kaibigan kong si Kris.

"LA! Di ka pa rin nagbabago. Hanggang ngayon, late comer ka pa rin!"  Inayos na niya ang bag niya sa kandungan niya at agad na tumingin sa akin. 

"Long story. Huwag ka nang makinig, pagtatawanan mo lang ako." 

Nang naging curious ako kung sino kaya ang magiging classmates ko, agad na akong lumingon lingon. Hmmmm, kilala ko naman itong mga ito...

Si Chace, at ang kambal niyang si Chase, wow. May kaklase akong kambal! Si Lance, Kate, Mary,

"Uy, Kris kaklase pala natin 'yung crush mong si Shin!" Nakita kong namula si Kris. Maribelle, 'yung dakilang maldita sa batch namin, classmate ko. Tsk.  Omg, kaklase ko si Mary Jess 'yung naging kasama ko sa Leadership camp noong second year ako! Magh-hi ako mamaya. Si QM! kaklase ko, QM stands for Quick Melt, 'yan talaga ang pangalan niya, at kung magtatanong kayo sa akin, huwag niyo 'kong tanungin, hindi po ako ang nagluwal sa kanya. Kilala ko siya kasi M.U siya ng kaibigan kong Nail Cutter, na kaklase rin namin. Kaklase ko rin 'yung crush ko noong si Paolo, ew. Ha ha, natatawa na lang ako. Kaklase ko rin pala 'yung dancer ng batch naming instik na si Bag Yowbinzz.

Natuwa ako. Umikot naman ako sa third row. Nasa second row kasi ako. Nakita ko 'yung Math Geek namin sa batch na si Lui Gi. 'Yung chickboy ng batch na 'di naman kagwapohan na si Adrian. At 'yung katabi niya, kil.a la si--

Kaklase namin--

My gosh.

Ka-k-lase namin si Miguel Louie San Juan.  

-

Miguel Louie San Juan. Matalino, gwapo, bad at the same time good boy, confusing. Mysterious kasi. Confusing. Do you want me to describe him? Simple lang naman. Perfection. Chos 'di naman masyado. 

He's 5'8 tall. Tamang tama lang sa tulad kong 4'11.

May suot siyang braces.

Maputi rin siya, fair complexion.

'Yung buhok niya may clay dough so siguradong paitaas ang direction at side, alam niyo na siguro 'yun.

 Matangos ang kanyang ilong. Perfect smile, perfect face, wala ni-isang pimple. 

Kung build ng katawan niya, siguro, estimate ko, mga 52 lang siguro 'to? o 55? May muscle siya actually, 'di ako sigurado sa abs, 'di ko pa nakilatis. Joke lang po. (Dalagang Pilipina...)

Makikilala niyo talaga siya kasi may suot suot siyang kwintas palagi. Although 'di ko pa nakikita ang pendant nun, isa lang siya sa iilang lalaki sa batch namin na nagsusuot ng kwintas. 

Isn't it amazing? Isn't it surprising? Isn't it? Isn't it? He's unique! 

Tama na sa pagi-imagine. Bawal ang pagnanasa..Lauren. Lauren, bawal 'yan. 

"Excuse me? Lauren? Lauren? HOOOOY LAUREN!"

"Ay! KABAYONG SWIMMER!" Nagulat ako! Ano ba naman itong si Kris naninigaw!

"Rotate na!" Nasa classroom na kami ngayon. Ang introducing game namin ay 'yung may dalawang circle, maliit sa loob tapos turn para maka-face to face ang isa sa mga kaklase mo Sasabihin mo 'yung name mo, section before, tapos anong gusto mong malaman tungkol sa taong 'yun(kasi imposible namang hindi magkakilala 'yung mga tao, nasa iisang campus na nga lang.) Matapos ang isang minuto, move ka ng clockwise para sa susunod na namang classmate. Speed dating yata tawag nito?

KundimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon