Months Later…
Nash’s POV: nung incoming 4th year college ako nung kaharapin ni Shar ang pinakamalaking problema ng buhay niya…
“Princess Flash Calling…”
Nash: (Sinagot ang phone) Hello?
Shar: (Umiiyak) Nashie…
Nash: (Nag-alala) Uy, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?
Shar: Kailangan kita dito… ngayon. Please.
Nash: Anung nangyari… sabihin mo sakin.
Shar: Si mama… wala na. (humagulgol sa pag-iyak)
Nash: (Naiyak din) Sorry kung wala ako dyan… sorry talaga.
Shar: Nashie, I need you now.
Nash: alam kong kailangan mo ko… pero, hindi naman ganun kadali pumunta dyan ngayon. Medyo mahina rin kasi ang restaurant business eh. Kailangan mag-save ng money.
Shar: (Tumango) alam ko…
Nash: Makinig ka sa’kin. Ikaw si Princess Flash diba? Hero ka. Kaya kakayanin mo yan. Kakayanin natin to. Hindi man tayo magkasama, magdadamayan parin tayo. You’re the greatest and strongest person I know, Shar. And alam kong malalagpasan natin to.
Shar: Okay… thank you. miss na miss na kita. Sobra.
Nash: Ako din, sobrang miss na kita. Kung makakalipad lang ako papunta dyan ginawa ko na. basta, focus okay?
Shar: Okay… (tiningan ang oras) Nashie, kailangan ko na ibaba yung tawag may klase pa ko.
Nash: Alam kong hindi ka pa okay. Message mo ko pag tapos na klase mo para tatawagan kita.
Shar: Okay, sige na… mamaya nalang.
Nash: Okay po, sige… I love you.
Shar: I love you too. sobra.
Naglalakad si Shar sa hallway papunta sa klase niya nang makasalubong niya si Francis.
Francis: Hi Shar. (ngumiti)
Tumango lang si Shar
Francis: Okay ka lang ba?
Umiling lang si Shar at umiyak nanamang muli.
Francis: (Hinawakan sa braso si Shar) Anong nangyari? (worried na tono)
Shar: Kiko… wala na si mama.
Francis: (inakap si Shar) magiging okay din ang lahat, Shar…
Shar: ang hirap Kiko… ang hirap hirap.
Francis: (Bumitaw sa pagkaka-akap at pinunasan luha ni Shar) Shh… wag ka na umiyak. Sa tingin ko, wag ka muna pumasok sa klase mo ngayon.
Shar: Hindi pwede kailangan ko yun.
Francis: Yun din naman klase ko ngayon eh. Ibibigay ko nalang sayo mga ipapanotes ni Mr. Smith… kasi, kahit naman pasukan mo yung klase niya kung distracted ka wala ka rin matututunan. Kaya sige na, bumalik ka na sa room mo.
Shar: Salamat, Kiko. Thank you talaga…
Francis: Sure, basta ikaw.
BINABASA MO ANG
The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]
FanfictionSa pagpapatuloy ng love story ng mag-Brad noon na si Shar at Nash... may panibago nanamang problemang kahaharapin. may mga bagong taong makikisawsaw sa love story nila. Paano kung ang lahat ng alaala'y malimutan? Kaya bang ibalik ng pagmamahal ang l...