“Ilang book at notebook na ba ang sinulatan mo ng pangalan niya?”
Pauwi na sana ako ng marinig ko yan mula sa isang babae. Ako? Hindi ko na mabilang…basta ang alam ko,kapag naaalala ko siya e sinusulat ko nalang ang pangalan niya. Hindi ko alam pero sa ganung way e nagiging masaya na ako.
Sa totoo lang, matagal na akong may gusto kay Mico…preschool pa lang kami. Sinubukan kong magtapat kaso palagi na lang akong pinangungunahan ng takot e kasi naman, mahirap kayang mag confess tapos mamaya i-rereject ka lang. Ayoko namang humantong sa ganun. Ayoko namang masaktan si heartlalu ko kapag nagkataon.
“RIIKO!” Agad akong napalingon at nakita kong tumatakbo papalapit yung crush ko sa akin.
“Pwde bang pahiram ng notebook sa history?”
SHET! Biglang nagtabolan yung puso ko. GRABITI! Hindi ko alam yung gagawin ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa katawan ko. O.A na kung O.A pero yun talaga ang nararamdaman ko. Umurong ako ng unti dahil baka marinig niya ang puso kong nagsusuper bass na sa saya. >_______<
“C-cge” pautal utal kong sagot. Mabilis kong kinuha yung notebook na galing sa bag ko at iniabot ito sa kanya. Kinuha niya ito mula sa akin at saka nagsalita muli.
“Thank you…hindi kasi ako kumokopya tuwing History e…amboring kasi…” Ngumiti siya at naglakad ng papalayo.
--- 7pm ---
Umupo ako sa study table at binuklat ang chemistry book ko. Binasa ko yung lesson naming kanina…Yung “Oxidation numbers” Pagkatapos ng ilang minutong pagbabasa ay biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina.
“RIIKO!”
“Pwde bang pahiram ng notebook sa history?”
“C-cge”
“Thank you…hindi kasi ako kumokopya tuwing History e…amboring kasi…”
Napangiti ako ng sandali. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at tumungo sa aking kama. Ibinalik ko narin ang chemistry notebook ko na kanina ay binabasa ko. Habang inaayos ko yung aking bag ay biglang kong naalala na sa mismong history notebook na yun ang may pinakamaraming nakasulat na pangalan niya.
Agad akong tumakbo paalis ng bahay. Hindi niya pwdeng makita yun! Hindi pwde! Binilisan ko pa lalo ang takbo ko.
Bigla akong napahinto sa pagtakbo ng makita ko si Mico na tumatakbo din.
“R-riiko?”
napatiggil din siya sa pagtakbo at naglakad nalang papalapit sa akin. Lubusan akong kinabahan ng nakita ko ang notebook ko sa history na hawak hawak niya.
May iniabot siyang notebook sa akin at binuksan ko naman ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang pahina na punong puno ng pangalan ko.
“Riiko?” napakunot ako ng noo. Isinara ko ang kwaderno at laking gulat ko ng makita ang pangalan ng may ari ng notebook.
“Mico Ocampo” Bigla akong napatigin sa kanya. Ngumiti siya saka ngasalita…
“Akala ko ako lang,ikaw rin pala…”

BINABASA MO ANG
Letters to Romeo [ONESHOT]
Short StoryIlang book at notebook mo na ba ang may pangalan ng ‘yong crush?