Confessions of a Tomboy

254 11 0
                                    


"Monica Marie Gonzales, alam kong paulit ulit nalang ako, but for the 148th time, I'll ask the same question.. Will you be my gi-"

I mentally cursed JP for this stupidity. Red balloons. Flowers. Classmates singing. I sighed. Here we go again.

"Stop stop! Jace Paulo, ano nanaman ba 'to?!"

"Obviously, this is my proposal. Again, will you be my girlfriend?"

I sighed softly. "For the 148th time, my answer is still a NO. Ito lang ang masasabi ko sayo, isang malutong na HINDI KITA SASAGUTIN KAHIT KAILAN para tumigil ka na sa kabaliwan mo! Kulit mo naman e. Di nga kasi kita type!"

"Em naman e! Sagutin mo na kasi ako. Kainis naman oh! 3 taon na kong nanliligaw sayo, pero hanggang ngayon, di mo parin pinapansin ang aking nag-uumapaw na pagtingin. Ano bang ayaw mo sakin? Pogi naman ako. Hot. Matalino. Mabait. Magalang. Tsaka sinabi ko na bang pogi ako? Kaya ano pa bang hahanapin mo? Sagutin mo na kasi ako!" I mentally cursed again. Yabang talaga. Kailan ba sya titigil?!

"Ew. Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Tsaka isa pa, tropa tayo. Wala namang talo talo. 'Di nga kasi kita type. Maghanap ka nalang ng ibang babae dyan. Ge."

Dali dali kong kinuha yung backpack ko para umalis na sa classroom namin. Another useless surprise from him. Palabas na ko ng pinto ng.. makita ko SIYA.

"Hi Em-em!"

"Uhm.. H-hel-"

"EM MY LOVEEEES! Huhu sino ba kasi type mo?! Sabihin mo ng mapatay ko!" Bwiset naman oh! Kahit kelan panira talaga ng moment 'tong lalaking 'to. At ano raw? Sino type ko? Sino nga ba? Aamin na ba ako? Eh kung umamin na kaya ko? Tae naman! Kinakabahan ako. Wag nalang kaya? HAYS! But on the second thought, dapat na rin siguro kong umamin. Oo oo! Para tantanan na ko nitong lalaking 'to at para.. malaman na rin nya ang nararamdaman ko. Okay, sige.. aamin na ko.

"Em, ba't di ka nagsasalita?! Sabihin mo naman na oh, para malaman ko na kung dapat ko na bang itigil 'tong nararamdaman ko para sayo.." Oo JP, dapat mo ng itigil, dahil eto na.. Aamin na ko.

Inhale. Exhale. Close eyes..

Eto na..

"SIYA! Sya ang gusto ko. At subukan mo syang saktan, ikaw ang papatayin ko." At habang nakapikit, tinuro ko na nga ang tanging taong nagpapasaya ng buhay ko. Tama, ang taong gusto ko.. SABAY TAKBO! Damn, nakakahiya!

***

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng gate, pinagtitinginan na agad ako. Tae naman! Ang aga aga ako agad center of attention ng buong school population.

"Grabe. Yun pala yung gusto nya? Asa pa syang magiging sila."

"Oo nga e. Kawawa naman si Jace."

"Di talaga ako makapaniwala.."

Teka, ako ba pinag uusapan nila? Kapal naman ng mga kalyo nila sa mukha para pagtsismisan ako! Baka gusto nilang igadgad ko sila sa grater at ihalo sa paborito kong pasta?! At anong kawawa si JP? Teka..

Confessions of a Tomboy (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon