MGV Part 8

49 2 0
                                    

February 14

Aattend ba ako ng party mamaya? Ano naming gagawin ko doon? Sigurado maa-out of place ako. Pero si Katrina? Sigurado kelangan niya ng kausap ngayon na nalulungkot siya.

"Kuya, nakaready na ba ang susuot mo mamaya? 4:30 na pala oh. Kelangan mo Nang mag-ayos", sabi ni Jona.

"Ha? Ah. Eh. Nagdadalawang isip pa nga ako e", sabi ko.

"Kuya! Sus. Sayang yun oh. I'm sure mag-eenjoy ang mga tao mamaya. Wait, sige tulungan kita mag-ayos", pangungulit ni Jona.

6:30p.m

"Ngiti naman dyan, friend! Nagsasaya ang mga tao tapos ikaw dyan, nakasimangot. Hay nako. Wag mo na isipin si Andrew", pagchicheer ni Elaine.

"Pinipilit ko naman eh. Pero okay lang talaga ako", paninigurado ni Katrina.

Ladies and gentleman, welcome to our Valentine's night party! Tonight, we let the reigns go loose. Tonight we celebrate and enjoy with the fellow students, special someone and faculty. Have fun!

"Alright! Chiiiiillllll!!!"

Lahat ng tao ay nag-celebrate nag eenjoy sa cozy venue ng party iyon. Overflowing foods, drinks pati na din ang mga live bands na tumugtog para sa event.

"We're gonna party likkkeeee! Yeah! yeah! Friend! Lets dance!", si Elaine.

"Sige lang friend.. Pakasaya ka lang. Nag eenjoy na ko sa foods nila", sabi ni Katrina.

Palinga-linga si Katrina sa paligid.

"Hoy! Bakit parang may hinahanap ka dyan?", si Elaine.

"Ah wala".

"Si Andrew ba? Friend ha?! Wag mo sirain ang gabi, okay?

"Hindi naman si Andrew eh", sabi ni Katrina.

Ilang sandali pa ay.....

"Hi, Katrina".

Biglang dumating si Albert.

Ibang iba ang itsura niya ng oras na iyon. Suot ang isang coat at pink na long sleeves sa loob. Medyo gulo ang buhok, ibang iba sa dating one-sided at flat na style ng kanyang buhok. Wala din ang lagi niyang suot na makakapal na salamin. Maayos na maayos ang tindig at mabango.

Natulala ako sa kanya noong oras na iyon.

"Katrina?", pag-uulit ni Albert.

"Ahhh, kaya pala. Alam na kung hindi mapakali friend? Sige ha, Albert maiwan ko muna kayo", sabay isang panunuksong ngiti sa akin ni Elaine.

"Alll-be-rt.. Wow. You look different", sabi ko sa kanya.

"Hindi ba panget? Napilitan lang ako magbihis ng ganito. Si Jona kasi".

"No. No, You look great…", patuloy pa din akong naaamaze sa pagbabagong iyon ni Albert.

My Geeky ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon