MGV Part 5

46 2 0
                                    

Kinabukasan, nag umpisa na ang basketball tournament kung saan kasali si Andrew.

“Go Andrew. Go! Go! Go! I love you ANDREEEW!”

“Oh em! Friend, super galing nga naman ng boylet mo sa basketball. Tingnan mo oh, halos tambak yun section natin. At havey yun mga girls na yon kung makapang-cheer ha”, sabi ni Elaine sa akin.

Talaga namang magaling itong si Andrew sa basketball. Dumagdag pa nga sa pagka-gwapo niya. Minsan nagseselos ako sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Hindi rin naman maiiwasan dahil madami talagang naiinlove sa kanya. Pero kahit ganon, tiwala pa din ako sa kanya. Na he will not trade me to someone else.

“Go babe!”

Tinitignan ko ngayon sa malayo si Katrina habang sinusuportahan ang mahal niya. Buti pa si Andrew, may isang katulad ni Katrina. Maganda na, mabait at matalino pa. At higit sa lahat, mahal na mahal pa siya. Kung gwapo kaya ako katulad ni Andrew, magugustuhan niya rin kaya ako? Mamahalin kaya ako ni Katrina?

“Kuya, yun ba yung boyfriend ni Kat? Pogi ah at infairness, ang galing niya sa basketball. Tambak na tambak kayo oh”, sabi ni Jona.

“Oo, alam na naman na sila talaga mananalo dapat talaga hindi na lumaban yun section namin,” sabi ko.

“Yan ka na naman kuya. Mas mabuti kaya yun nagta-try kahit na talo din sa ending. At least you tried. Maiba ako, sure ka na ba na wala ka na gagawin for Katrina? Mag Va-valentines na oh”.

“Ano ka ba. Kita mo ng may boyfriend na yun tao”.

“Friendly present lang naman eh. Hindi naman ibig sabihin aagawin mo yun tao. Pero ikaw ang bahala kuya”, sabi ni Jona.

Bibigyan ko ban g regalo si Katrina? Pero para saan? Thank you gift? For making me happy always? Nyee. Parang hindi ko ata kaya. Pero subukan ko na din kaya? Wala namang masama kasi magkaibigan naman siguro kami…

“Babe! Congrats. Ang galing mo ah. MVP!”

“Well babe, expected na naman yon eh.  Ang hihina kaya ng players niyo. Haha. Siya nga pala babe, kelangan ko na umalis agad ha. May meeting daw kasi ang Varsity eh. I love you babe”, pagpapaalam no Andrew.

“Pero babe… Sige ingat ka na lang. I love you too.”

Tuluyan na umalis si Andrew. Akala ko naman makakapag celebrate kami together. Buti na lang si Elaine na lang ang kasabay kong umuwi.

“Hahaha. Hay nako Katrina, nakakatawa talaga mga kinukwento mo!”

“As in grabe, Elaine. Sumakit din tyan ko nung kinukwento yon nung prof noong absent ka. Haha”, masayang pagkukwento k okay Elaine.

“Haha, hay ewan ko sayo. Haha”.

“Aww. Saglit. Friend, is that Andrew?”, pagtuturo ni Elaine sa isang lalaki na nakasandal sa kotse habang kahalikan ang isang babae.

Napatingin ako sa lugar na iyon habang pinagmamasdan ang isang babae at ang boyfriend kong naghahalikan. Parang binibiyak ang puso ko habang nakikita ang tagpong iyon. Hindi ko alam ang iisipin. Bakit? Bakit nagawa sa akin ni Andrew ang bagay na hindi ko akalain magagawa niya sa akin? Bakit niya sinayang ang pagtitiwala ko?

Dahil sa magkahalong galit at sakit na naramdaman ng oras na iyon, naglakad ako palapit sa kanilang dalawa…

“Andrew.”

“Babe… Babe let me explain..”

Sinampal ko at hinampas si Andrew sa sobrang galit. Nagwawala ang damdamin ko. My whole world crashed and it’s hurting like hell.

“Babe! Wait. Please let me explain. It was nothing. Believe me!”, pagsusumamo ni Andrew.

“Believe you? Damn you, Andrew! I don’t think I can trust you again. It’s over”.

 Tumalikod na ko at biglang tumulo ang luha na kanina pa pigil na pigil. Pinilit akong i-comfort ni Elaine pero wala din nagawa sa sakit ng nararamdaman ko. Sa bilyon bilyong lalaki sa mundo, ilan na lang ba ang matino? Ilan na lang ang mapapagkatiwalaan? Ilan na lang yun hindi ka nanaising saktan o kung nasaktan ka man nila, makikita mo rin sa mga mata nilang mas nasasaktan sila? Ilan na lang ba ang totoong nagmamahal? Akala ko iba siya. Akala ko hindi niya gagawin ang ginawa ni Daddy kay Mommy. L

My Geeky ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon