Funny I'm In Love

77 2 0
                                    

                                                      INTRODUCTION:

“Francis! Girlfriend mo?”, tawag ng isang kaeskwela ni Frenz ng makita siyang may kasamang magandang babae sa Night Market. Isa namang magandang ngiti ang ganti nito.

Kapwa sila umupo ng babae mula sa kalayong table ng kaniyang mga kaklase.

“Hindi nila alam?”, ani ng babae.

Muli ay isang ngiti ang naging sagot niya.

Best friends since birth – ganyan kalapit sina Aira at Frenz. Mula elementary hanggang highschool ay matalik nang magkaibigan ang dalwa. Kilalalang-kilala na nila ang isa’t isa na halos magkapatid na ang turingan nila.

Palibhasa’y matalik na magkaibigan, magkasama na silang lumaki at sabay din silang pumasok sa iisang paaralan noong nasa elementarya at highschool pa sila. Ngunit ngayong nasa koleheyo na sila, kinailangan na nilang maghiwalay ng paaralan. 

Kumukuha ng kursong Information technology si Frenz sa isang pribadong paaralan samantalang si Aira ay kumukuha ng Bussiness Administration sa kalayong paaralan. Pero kahit magkalayo, nagkaroon pa rin sila ng pagkakataong mag kasama, dahil pinayagan sila ng mga magulang nila na magsama sa isang boarding house.

Ilang bayan ang agwat ng kanilang barangay sa lungsod kaya kinailangan nilang kumuha ng upahang bahay. Laking tuwa naman ng dalawa ng payagan sila ng kanilang mga magulang. Bago sumapit ang unang araw ng pasukan, magkasama silang naghanap sa kabayanan ng matutuluyan at laking tuwa nila ng may mahanap silang mauupahan na halos ilang kilometro lang ang layo sa paaralan nila.

Hindi naman kataka-taka na magiging matalik silang magkaibigan dahil halos parehas sila ng ugali at kinalakihan, pero sa paningin ng iba, kakaiba ang kanilang relasyon.

Aira Fei Salazar is a very sweet girl.. Shy type kung titingnan pero nasa loob ang kakulitan, lalo na pag kasama si Frenz... Maganda siya.. That's how they described her.. Simple kasi ang ganda niya at napahusay niyng magdala ng damit...

Si Francis McCoy Ty naman, A.K.A. Frenz,  ay maganda rin naman, mas mataas siya kay Aira at mas mabilis. Nakakaakit ding tingnan ang biloy niya sa kaliwang pisngi. makaagaw pansin din ang maliit niyang mga mata. Palibhasay Filipino-Chinese, makinis siya at malinis sa katawan, ngunit kakaiba si Frenz... Hindi man siya mukhang babae pero alam niya na may puso siyang babae...

 YEAR 2010 

Nasa second year highschool na sina Frenz at Aira nang mapansin ni Aira na napapadalas na ang pagsama ni Frenz sa mga kaklase nilang bading mula noong mabasted siya Mae Lazaro.

 "Hoy Francisco!!!" sabay batok ni Aira kay Frenz habang nakikipagtawanan sa mga kaeskwela nila.

"Ouch!!!! Problema mo bhes? Masama na bang magsaya ngayon? Uber ka ha!" sabay irap nito.

"Wag mo ngang itirik yang mata mo! Parito ka nga!" at hinila niya ito palay sa mga kaeskwela.

"San ba tayo pupunta?..... Kakain na ba tayo?"

"HINDI!!!"

"Ay galet??"

Maigpit ang pagkakakapit ni Aira sa braso ni Francis at hinila ito malapit sa isang bench...

"Umayos ka nga Francis.. Sabihin mo nga sakin.. Best Friend mo ba talaga ako?" sabay bitaw kay Francis.

"OO!.. Syempre oo.. Bakit mo ba tinatanong yan?"

"Kung Best Friend mo ko bat hindi ka nagtatapat sakin? Bakit kailangang ako pa makapansin sa mga ginagawa mo? Bakit hindi mo sabihin sa akin?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo bhes? I don't understand?!"

Funny I'm In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon