Prologue

1.3K 25 0
                                    

Prologue

"Ilang taon? Ilang taon kang nawala?"  tanong ko sa kanya pero hindi siya nakasagot. "Ilang taon din akong naghanap ng sagot! Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Bakit sa pangalawang pagkakataon hindi mo nanaman ako pinili? Bakit?" sigaw ko sa kanya.

Hindi na ako halos makakakita sa labo ng aking mata dahil sa mga luhang walang tigil na tumutulo. Hindi pa man dumaloy ang luha ay may namumuo muli. Pagod na ako. Hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng panibagong lakas para masabi ang mga salitang ito sa kanya.

"Sorry." simpleng sagot lang niya.

"Sorry? Mawawala ba lahat ng sakit sa sorry na yan? Mapapagaan ba niyang sorry mong yan yung damdamin ko? Mababalik ba niya yung dating ako?" nanghihina kong tanong.

Tatlong taon. Tatlong taon kung kinimkim lahat ng ito. Wala akong pinagsabihan ng problema kong ito dahil ayokong husgahan nila ako at alam ko namang hindi nila ako matutulungan. Sasabihin lang nilang lilipas din yan pero tatlong taon na ang nakaraan at hindi pa rin lumipas.

"Sorry. Sorry if I hurt you. I didn't mean to. Sorry." sabi niya. His eyes were bloodshot and pleasing. Trying to convince me that he really is sorry for what he has done.

"I wish you only hurt me but no! You destroyed me!" I cried once again. I sat on the floor. Sinapo ko ang aking noo.

I'm tired. Physically, mentally, and emotionally. How can I escape this? Will I ever escape this?

"I love you, babe. I'm sorry." he said as he kneeled in front of me.

Ayoko nang masaktan ulit pero paulit ulit niya lang ginagawa. He does it unconsciously. Nasasaktan niya ako ng hindi niya nalalaman. Kahit pa ilang beses kong sabihin na ayaw ko na, na titigilan ko na ang kahibangan kong ito, hindi ko magawa.

Lolokohin ko ang sarili ko pag sinabi kong hindi ko na siya mahal dahil ang totoo, hanggang ngayon ay siya pa rin. Siya pa rin ang laman ng isip ko, ng puso ko.

Fuck! Ang tanga diba? Iniwan at kinuha na sayo ang lahat hanggang ngayon mahal ko pa rin? Martyr!

Niyakap niya ako. And again I feel home. I feel that I'm protected, secured that nobody could ever hurt me. I longed for this hug. I longed for him. I missed him so much.

Hinawakan niya ang aking mga pisngi at pinalis ang mga luha. "Please forgive me." sabi niya.

Hinawi ko ang kanyang mga kamay sa aking pisngi at tumawa. "Forgive me?" tanong ko sakanya at tumango siya. "Akala mo ganun kadaling magpatawad? Alam kong ang Diyos nagpapatawad at dapat ang mga tao rin. Gusto mong mapatawad kita? Chase, Ricci. Chase for my forgiveness." I said and I stood up. I walked out.

Habang naglalakad ako ay patuloy pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak. Sorry, Ricci. Gustong gusto na kitang patawarin pero hindi ko magawa. Ayaw pumayag ng puso't isip ko na patawarin ka pero sisiguraduhin kong darating din tayo dyan. Hindi pa ngayon.

I started running para hindi na muli ako makita ni Ricci. Ayaw kong makita niya akong mahina kahit nakita niya na kanina ang pag-iyak ko. Pero ang pag-iyak naman ay hindi isang sign na mahina ka diba? Gusto lang ng isang taong gumaan ang pakiramdam niya pero kahit ata lumuha na ako ng isang buong karagatan ay kahit kailan hindi gagaan ang pakiramdam ko. Parang hindi na ata hangga't mapatawad ko siya.

Diri-diretso ako sa paglalakad sa sidewalk ng kalsada. Mga mata'y lumuluha at ang puso'y nagdurugo. Pagod na pagod, mga butil ng pawis mula sa aking noo ay aking pinunasan, mga luhang walang tigil sa pagbagsak ngunit kahit anong punas ko rito'y may bagong luha muling bumubuhos.

Mula sa parking lot ng aming building ay kinuha ko ang susi ng kotse ko sa aking bag. Binuksan ko ito at walang anu-ano'y pinaharurot ko na ito. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. May mapupuntahan nga ba ako? May patutunguhan ba ang galit kong ito? 

Naisipan kong magpunta sa Norte. Baguio City. Baka rito ay mahanap ko ang katahimikan at kapayapaan ng damdamin na nais ko. Dito ay walang makakagulo sa akin.

Habang naghihintay sa green light ay pinatay ko ang aking cellphone para hindi ako ma-contact ng mga magulang ko. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang lumayo sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang paiyakin at saktan ako.

What have I done to deserve this pain? I've been a good daughter, student, and a person. Yes, I commit mistakes but are those mistakes enough for me to feel this sorrow? This pain? Am I that of a bad person?

"Hindi ko na alam. Hindi ko na alam." sambit ko habang nagddrive. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata dahil baka mabangga pa ako. Ayoko pa namang mamatay.

Nang may nakita akong 7/11 ay agad ko namang iniliko roon ang kotse. Nagpark ako at lumabas para makabili ng kakainin sa biyahe.

Kumuha ako nang chichirya,tinapay, tubig, softdrinks, ice, at beer. Kahit kailan ay hindi ko pa nasubukang uminom pero parang ngayon ay gustong gusto ko nang subukan.

Nagbayad na ako sa counter ng aking mga pinili at parang nagtaka pa ang cashier sa dami ng aking mga pinamili. Pagod man ay tumulak pa rin ako patungong Baguio. Hindi na inantala ang lungkot at pagod habang nagddrive. Gusto ko lang makatakas sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sabi ng Mama ko bago siya mawala ay kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Huwag mong kimkimin ang sakit dahil baka sumabog ka pag hindi mo ito inilabas. Noong nawala si Mama, pati ako ay nawala rin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Hindi ko alam kung saan ako kakapit tuwing ako'y nanghihina at nawawalan na ng pag-asa pero wala naman tayong magagawa. Wala na siya at ang tangi ko lamang magagawa ay maging matapang na harapin ang mundo.

Tumahan na ako sa pag-iyak. Ang mga mata ko'y pagod na at nais ng sumuko pero patuloy pa rin ako. Namumugto na ang mga ito panigurado.

Lumipas pa ang ilang mga oras, sa wakas ay nakarating na rin ako sa aking paroroonan. Sana dito, mahanap ko ang hinahanap ko.

Ang sarili ko.  

Failed RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon