Chapter 4

500 12 1
                                    

Chapter 4

Halos manigas ako sa kinalalagyan ko sa narinig ko. Hindi ko alam pero ang puso ko'y halos kumawala kung nasaan man ito. Feeling ko nagpalit ng pwesto yung mga intestines ko at yung puso ko. Kakaiba!

Binitawan niya ang aking palapulsuhan at pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Halos lumuwa naman ang mga mata ko.

"Your hand fits in mine like its made just for me." pagkanta niya. Hinila rin niya ako palapit pa lalo sa kanya.

Teka lang naman Rivero! Ang bilis!

Nginitian ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nagprotesta sa paghawak niya sa aking mga kamay. Parang pakiramdam ko tama ito? Na walang mali rito?

Hinila niya ako palabas ng arcade.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong din niya ngunit hindi niya na hinintay ang sagot ko at agad naman akong dinala sa isang ice cream parlor.

Pinaupo niya ako at pumunta sa counter para mag-order. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi sa kanya? Napapa-oo nalang agad ako? Parang hindi ko pinag-iisipan lahat ng ginagawa ko kapag nandiyan siya?

Pumunta na siya sa table namin. Isusunod na lang daw ang order niya. Umupo siya sa harapan ko at napaatras naman ako dahil nakapangalumbaba ako sa lamesa.

"Oh bakit?" tanong niya na medyo natatawa pa. Aba natutuwa ka pa ha. Ako kasi hindi.

Umiling na lang agad ako.

Kakaunti lang ang tao rito sa ice cream parlor kaya walang ibang maririnig kundi ang iilang mga taong nag-uusap at ang music. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kakausapin ko ba siya o kakausapin ba niya ako o tutunganga lang kami dito?

"Kunwari first time ulit nating magkakakilala." panimula niya. Napatingin naman agad ako sa kanya.

"Oh tapos?" tanong ko. Medyo masungit ang tono pero interesadong interesado ako.

"Hi, I'm Ricci Rivero." sabi niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon. "Gabriella Abuel." sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya.

Nakatingin kami sa isa't isa habang magkahawak ng kamay. Kung hindi pa dumating ang inorder niya ay wala ata kaming balak magbitaw ng mga kamay.

"Hala ang dami naman nito." sabi ko.

"Kaya yan." sabi ni Ricci sabay abot sa akin ng kutsara at maliit na bowl na paglalagyan ng ice cream.

Kumuha na ako at inilagay ko na ito sa maliit na bowl na binigay niya. Cookies and cream lang ang flavor nito at ayos lang naman dahil favorite ko ito!

Nagsimula na kaming kumain. Sa una'y halos wala pang nagsasalita. "Ilang taon ka na?" tanong niya. "17 na ako. Ikaw?" sabi ko naman.

"18." sagot niya. Ang kanyang malalim na boses ay nagpadala ng kuryente sa aking kalamnan. Tumango naman ako.

"Kailan birthday mo?" tanong niya ulit. "May 24." sagot ko naman. Binitawan niya ang kanyang kutsara at pumalakpak.

"May 25 ako!" sabi niya na para bang tuwang-tuwa pa siya. Yumuko ako para maitago ang ngiting kanina pa gustong lumabas.

"Uhm... ano favorite color mo? Favorite subject? Favorite food?" sunod-sunod niyang tanong. Natawa naman ako.

"Ano 'to oral slam book?" natatawa kong tanong sa kanya. Nagkamot naman siya ng ulo. "Anuna?" tanong niya ulit.

"Favorite color ko is black or any dark color tapos favorite subject, wala. Favorite food... fried chicken." sagot ko. Galing Gabriella! Natandaan lahat ng tinanong niya! "Ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

Failed RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon