Chapter 1

886 18 0
                                    

Chapter 1

Naghanap agad ako ng matutuluyang hotel upang makapagpahinga. Pagod na pagod ako mula sa halos pitong oras na biyahe. Madaling araw na nung nakarating ako rito.

"Miss can I get a room." sabi ko sa babae sa front desk.

"Suite ma'am?" the girl asked. Tumango naman agad ako.

She gave me the card to my room and asked a bell boy assist me and bring my things to my room. "Hindi na, kaya ko na ang mga ito." sabi ko dahil ang mga natira na lamang sa mga pinamili ko kanina ang dala ko.

Umatras naman na ang bell boy noong sinabi kong hindi ko na kakailanganin ang kanyang tulong. Naglakad na ako papuntang elevator upang makarating sa aking room. Pinindot ko ang 6th floor sa elevator.

As soon as I entered my room, i switched on my phone just to know if my dad or my friends are looking for me. And yes, they are.

I received so many text messages from my dad and my friends.

From: Dad

Where are you? I'm so worried! Call me!

From: Sanya

Nasaan ka ba Athena Gabriella? Nag-alala na kami nila Tito!

From: Amber

Hoy Gab! Tangina ka nasaan ka

Those are just few text messages that they sent and I refused to reply to any of it.

My phone rang and it was Amber. I answered it. I just want to let them know that I'm okay. That they shouldn't worry about me but I will not tell them where I am.

"Hello?" I said.

"Tangina ka! Nasaan ka?" sabi ni Amber sa kabilang linya.

I heard Dad's voice, asking Amber to give him her phone.

"Athena! Where are you?" pagalit na tanong ni Dad.

"Dad, you dont have to worry okay? I'm fine." I said. Assuring dad that I really am fine when in fact I'm so done with this life.

Alas dos na ng madaling araw pero gising pa rin sila. Ibig sabihin ba nun ay nasa bahay namin si Sanya at Amber? Tinutulungan si Dad na hanapin ako?

I left Manila eight o'clock in the evening. Napaaga pa nga ang dating ko rito dahil sabi ko nga na pitong oras ang biyahe mula roon hanggang dito sa Baguio.

"Anak, please come home. I'm so worried. I can't stand here knowing that you're not home." Dad pleased.

"Dad, I can't yet. I just need a time for myself. You know, alone time." sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Sana ay nakumbinsi ko siya sa mga sinabi ko.

"For what?" tanong niya.

"I just miss Mom so much." sagot ko.

"Okay, just make sure that you'll be back okay? Promise me that nothing bad will happen to you, okay?"

"Yes Dad, bye I love you." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Humiga na ako sa kama. Sobrang sakit ng likod ko kaya naman nung nakahiga ako ay agad hinila ng antok ang aking mga talukap ng aking mata.

Alas onse na ng umaga nang magising ako. Magtutungo na sana ako sa banyo kaso naalala ko na wala nga pala akong damit! Jusko paano ito?

Mabuti nalang at may toothbrush at toothpaste ang mga hotel kaya naman ay nagsipilyo at naghilamos ako para naman medyo mukhang fresh dahil pupunta muna akong SM Baguio para makabili ng mga isusuot ko sa mga susunod pang araw.

Failed RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon