"With the Gods"
May 23,2018
Lyien's POV
Nakapag tataka itong nangyayare. Hindi namin mahanap si Drake sa kahit saang lugar.
Miski sila Angelo's hindi alam ang dahilan kung papaanong naitatago ni Drake ang kanyang prisensya.
Kayat pagka dating namin sa Enchanteur ay nagpasya din kaming maghiwalay hiwalay. Si Cassiopeia at Demesis ang naatasang mag hanap sa mundo nang mga tao. Ako at si Terra naman ang mag hahanap dito sa Enchanteur . Sila Angelus at Martian naman ang nag pasyang pumunta sa Rebel.
"Kanina pa tayo dito sa Enchanteur ngunit wala pa tayong makuhang presensya ni Drake." Ang sabi ko kay Terra habang patuloy parin sa paglalakad dito sa gubat.
"Bakit hindi mo ulit subukan ang iyong kapangyarihan na hanapin mo sa iyong isip ang iyong ama?" Ang Mungkahi ni Terra
"Pero ginawa ko na iyon kanina pero hindi ko sya nahanap." Totoo naman. Wala talaga akong makitang sign ni papa.
"Wala naman sigurong masama upang iyong muling subukan." Sa pangungulit ni Terra ay napapayag din ako. Hindi ko lubos na maisip na may ganyan rin palang side na ugali ang isang dyosa.
"Ok. Sige" pumikit ako at pinilit na i focus ang aking isip. Inhale , exhale, inhale , exhale. At eto na.
Muli kong nakita nanaman ang lahat ng presensya nang mga tao. Lahat ng kanilang naiisip. Kanilang hinanaing sa buhay. Kanilang lungkot. Lahat noon ay naririnig at nakikita ko.
"Lyien just relax."
Na guluhan ako nang biglang lumalabo ang mga nakikita ko. Parang may sumasaging dilim.
"Lyien ano yung nakikita mo."
"May humaharang saking isip."
"Isang itim na malakas na pwersa."
"Parang iniiba nito ang lugar ng aking isipan."
___________________________
Third Person's POV
"Parang iniiba nito ang lugar ng aking isipan."
"Maingay! Magulo! Lahat ng sila nagaaway! Lahat sila umiiyak humihingi nang tulong!"
Nagulat si Terra sa kanyang nasaksihan . Unti unti tumataas ang buhok ni Lyien . May malakas na pwersa ng pumapalibot sa kanya. Sinabayan nang malakas na hangin at pagtaas ng ilang bagay sa kanyang paligid.
"Lyien! Ihinto mo na yan!" Ang Hiyaw ni Terra
"Magulo sila!"
"Limang tao!"
"Lyien! Umalis ka na dyan!" Muling sabi ni Terra
"May sumabog na isang building!"
"Maingay! Nagpapatayan sila ! Hindi ko kaya!"
"Lyien umalis kana dyan!" Lumapit si Terra kay Lyien at hinawakan ito .
Bumaling si Lyien kay Terra at sinabing na may roong nakakatakot na boses
. " Mamamatay kayong lahat!"Tumumpit ng malakas si Terra at si Lyien naman ay bumagsak at nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Enchanteur Academy 2 ( The Devastation of Gods)
FantasyNote: that before reading this story . You should read first the book 1 "Enchanteur Academy ( The Awakening of Raven's Soul )" . To fully understand the story.