I. Run
For the past months napansin kong may nagbabago na sa relationship namin ni Zach. It's confusing, and hard. Challenging too. Hindi ko na alam kung paano pa namin ito malalampasan, but that's how relationships work right? They have to face things. Together.
"But babe, I just wanna see you," sabi ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim.
"I know babe," sagot niya sa kabilang linya. "Pero I'm kinda busy right now."
"Lagi mo naman 'yang sinasabi," sambit ko.
"Because you won't shut the hell up and leave me alone." galit niyang sabi. Nagulat ako sa nangyari. Kahit isang beses hindi niya ako nasigawan ng ganito, oo minsan may mga pagkakataong may masasabi siyang bagay dahil iritable lang siya. Pero this? This hurt me.
Nag hintay ako ng ilang segundo, pero hindi man lang siya nag sorry. Naramdaman kong namuo na ang mga luha sa mga mata ko. I tried to blink back the tears.
"Well sorry dahil ang clingy ko ha?" sabi ko, my voice shaking.
"Oras lang naman ang hinihingi ko, Zach. Araw-araw mo na ngang kasama 'yang mga katropa mo, ni isang beses wala ka nang inilaan na oras para saakin," hindi ko na nalabanan ang mga luha at tumulo na ito ng tuluyan.
"Habang ako naman, pagka gising mo ng umaga hanggang sa pag tulog mo nakatutok ako sayo. Hindi ko alam kung bakit ganito na tayo Zachary!"
"Because you're being annoying right now, that's why," sagot niya.
Unbelievable.
"No, I am not. It's because I am your damn girlfriend and I care about you, you asshole!" Sigaw ko. "Hindi ko alam kung bakit mo pinagkakait saakin ang isang bagay na hinding-hindi ko ipinagdamot sayo, I don't deserve this."
"I'm sorry-"
Binabaan ko na siya ng phone. I couldn't take it anymore. Hindi naman ako yung tipong sensitive masyado, since I, myself, am a frank person. Pero hindi ko lang napaghandaan ang pag sagot ni Zach saakin. He has never done that to me.
Not until now.
Zach was my ideal type of guy, perfect na siya sa paningin ko. Gwapo, matalino, sporty, at loving. Caring pa nga e. Pero siguro ganun talaga...habang nagtatagal mas makikilala namin ang isa't isa at magpapakita na ang mga ugaling nagtatago sa dilim. It's inevitable, nasa saamin na yun kung handa kaming tanggapin ang flaws ng isa't isa. Kasi aminado din naman akong may flaws ako.
But this was new to me.
And yes, kilala ko na si Zach. Sa siyam na buwan niyang panliligaw saakin, at sa isang taon na naming samahan. Kilalang kilala ko na siya. Pero, ito ang unang pagkakataong nasabihan niya ako ng ganun. It was a huge shock, hindi ko alam kung bakit bigla niya na nasabi ang mga iyun.
Pinunasan ko ang mga luha ko. He was probably just stressed out. Masyado na ba akong nagiging clingy? Wala namang mali sa ginagawa ko. Kung tutuusin nga dalawang beses palang akong tumatawag today sakanya, hindi gaya ng dati siya pa nga ang unang nag d-dial ng number ko.
Alam ko namang aabot kami sa puntong ganito sa relasyon namin, at alam kong pag subok lang ito para saamin.
Sana, things will be back to normal. I love him so damn much, I have no idea what to do.
Napabuntong hininga ako. Stupid boyfriend for making me cry, pasalamat siya mahal na mahal ko siya.
He has his own reasons, right?
Gusto ko siyang tawagan uli, but I'm resisting the urge to do it.
Nag-ring uli yung phone ko. Tinignan ko ang screen, pero to my dismay...hindi si Zach ang caller ID. Kundi si tita Haley, ang mommy ni Zach. Agad kong sinagot yung phone.
BINABASA MO ANG
We Tried
Teen FictionMay saysay kaya ang sumubok ng isang bagay na alam mong wala rin namang patutunguhan? Hindi lahat ng pagkakataon ay mangyayari ang mga nais nating mangyari. Dahil lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan, kaya nga maraming taong nasasaktan dahil sa a...