You can't forget it ..

46 0 0
                                    

"Mahal?", singgit ni Charles sa pinapanood naming movie sabay yakap sa likod ko.

"Oh bakit mahal?", tanong ko.

"I love you."

Hahahaha! Ang korni talaga nito paminsan-minsan.

"HAHA! I love you more."

"Tara kain tayo?", aya niya.

Hala! nagyaya. bago to ah?

"Saan?"

Excited much!

"Sa kusina niyo? Hahaha! Saan pa ba? Ipagluto mo ako please?"

Leche talaga to!

"Loko! Hahaha! Dissappointed much!", with my oh so pouty lips :D

"Ayaw mo nun? Special pagkain ko kasi ikaw naman nagluto nun? It's with LOVE!", at nilagay pa talaga kamay niya sa left side ng dibdib niya.

"Hahaha! Ang korni mo talaga. Di mo lang talaga ako ginagastusan! Masyado kang kuripot."

Bigla namang nagtimpla ang mukha ng mahal ko. Nasaktan ko ata siya sa sinabi ko. Syempre joke lang iyon.

"Mahal naman, alam mo namang gipit ako ngayon diba?", sabi niya sabay alis yakap.

"Joke lang. Alam ko naman kailangan mo ng pera ngayon, para sa future natin. I love you, mahal ko. At ipagluluto na kita, with love.", sabi ko to lighten-up the mood. Ginawa ko pa yung style na ginawa niya pagsabi niya ng "love" at ako naman ang yumakap sa kanya.

"Hehe! Salamat mahal. Love you too. Pwede mag-request?"

Talaga to! Sarap hampasin. Parang alam ko na 'to.

"Ano?"

"Galit?"

"Haha! Di naman masyado."

"Sige, wag na nga lang."

"Eto naman, ang OA. Ano nga po mahal ko?"

"Uhhhm, carbonara?

"Haha. Oo na. Pasalamat ka meron pang natira na ingredients para sa favorite mo.", sabay tayo ko.

"Sus, tinatago mo talaga yan para sa akin."

"Ganoon kita kamahal.", at nag-fying kiss pa ako, sinalo naman niya.

HAHAHA.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina pa ako tulala ...

Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang maganda niyang mukha. Miss ko na ang makapanlaglag pantay niyang ngitii. Miss ko nga ang yakap niya. Miss ko na mga kakornihan niya. Miss ko na talaga siya at malapit na akong mabaliw!

Parang tanga lang talaga ako dito. 

Kung bakit naman kasi nagbitaw pa ako ng pangako, pangakong ang hirap namang pangatawanan.

Di ko naman maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya, kung anong point ng lahat ng ito.

Minsan napapa-isip ako kung kami ba talaga.

Don't Forget ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon