Biro Lang (One shot short Horror story)

110 1 0
                                    

Pauwi na ako galing iskul. 

Papunta ako ng dorm, nagtext yung dorm-mate ko na uuwi siya ng probinsiya dahil may sakit ang kanyang nanay kaya inaasahan ko na wala akong maaabutang kasama dun.

Nang ako ay nakauwi na at binuksan ang pintuan at muli itong sinarado, dali-dali akong nagpunta ng banyo. Nang bubuksan ko na ang pintuan ng banyo may humawak sa aking balikat.

Ako ay nanigas at nagitla dahil sa takot at sa kaalaman na wala naman akong kasama sa dorm. Hindi ako makalingon para makita kung sino ang umakbay sakin.

"Huy ano ka ba? Ako to si Janet yung kadorm-mate mo", isang pamilyar na boses ang nagsalita. Nwala ang aking kaba bigla.

"Pambihira, ikaw lang pala yan Janet",

at ako ay lumingon sa kanya...

"Biro lang.....", sabi ng isang babaeng duguan ang mukha na nakangiti sakin habang sinambit niya ang dalawang salitang iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biro Lang (One shot short Horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon