Karma.

251 11 7
                                    

Mula nung nakilala ko si Christianne, nagbago na ang lahat sa akin.

Yung ugali ko,

Yung time value,

at syempre...

Ang pagiging PLAYBOY.

She changed me. Malaking bahagi ng buhay ko ang nag iba mula nung dumating sya.

Hindi na din ako masyadong palatext kasi parati kaming magkasama.

Sya na rin lang ang laman ng inbox at gallery ko.

Minsan na lang din kami magbonding ng grupo kasi mas nasa kay Chris yung time ko.

We gone on dates.

We watched movies at sinasamahan ko din syang magshopping. Sa katunayan ako yung taga bitbit ng mga pinamili nya.

Magiisang taon na kami sa darating na Abril abente sahis. Nagpplano na nga ko kung anong surprise gift ko sakanya eh. Sya kaya? siguro ganun din. :)

Nag aaway din kami pero I make ways para magkabati lang kami. Nakakapanibago diba? Pero ganun talaga ata kung mahal mo yung isang tao. Kahit gaano kataas ng pride mo, pagdating sa taong mahal mong totoo, bababa't bababa rin para magkaayos lang kayo. Kahit pa nga hindi mo kasalanan, aakuin mo nalang para lang maging okay kayo uli. Ganun ako kay Chris. Nagiging mabait kahit pa sa panahong sobra na kong naiipit.

"Babe I'm sorry. Talagang sobrang busy lang ako kaya hindi kita nasundo o naitext man lang. Please sorry na." sabi ko habang sinusundan syang naglalakad sa mall.

"Kung ipinaalam mo sana yan sakin nung mas maaga, hindi pa tayo umabot sa ganito." she said habang dali dali sa paglalakad.

"Babe look, I'm sorry okay? Please understand me. Sobrang busy ko lang talaga kahapon. Wag ka na magalit oh." nakabuntot pa rin ako sakanya kahit san sya nagpupupunta.Yung mga tao nakatingin na samin. tss. Bahala na! Hindi ko nalang papansinin.

"Ang sabihin mo, may iba kang ikinakatagpo maliban sakin. Aminin mo na kasi Dean na may iba ka. Alam ko namang may iba ka eh. Dati ka ng manloloko diba, may posibilidad na hanggang ngayon manloloko ka pa rin. Tama ba Dean?" pagkasabi nya nun, nakaharap sya sakin. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya.

"What? I don't understand you. A-anong ibig mong sabihin?" I stuttered. Palabo ng palabo ang usapan.

"She means you, a LIAR!" nagulat ako dun sa boses na nasa likuran ko. Pagkalingon ko...

O_____O

"Hi DEAN RODRIGUEZ! Kamusta? Missed me?" she smiled sarcastically. Bakit sya nandito? How did she know na nandito ako?

"A-Alleyah?"

"Obvious ba?!" sabi nya sabay lakad papunta kay Chris na kasalukuyang walang reaksyon. Anong nangyayari? P-panong?

"What are you doing here at magkakilala kayo?" I inquired. Napatingin ako kay Chris pero umiiwas sya ng tingin sakin.

"Ano sa tingin mo Dean? Magkakilala nga lang ba kami o magkapatid? HAHAH!" Anong ibig nyang sabihin? Magkapatid sila ni Chris? Naguguluhan ako!

"Chris? Alam mo ba ang pinagsasabi nya? Hindi ko maintin-"

"Of course hindi mo maiintindihan kasi puro sarili mo lang iniintindi mo, tama ba Dean? Hmm! Let me tell you a story para maintindihan mo kung paano natalo ang isang manloloko kagaya mo!" sarap patulan kahit babae eh! Kainis ang epal!

"Shut up Alleyah! I'm not talking to you!" I scolded.

"You shut up Dean!" WT...F?! Ako pa?

Karma [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon