KABANATA 2

19 0 0
                                        

Namamagang mata, magulong buhok, at maitim ang ilalim ng mga mata. Ayan ang nakikita ko ngayon sa harap ng salamin. Kagigising ko lang at dumiretso na ako dito sa cr dahil may pasok ako. Sa totoo lang tinatamad ako eh. Ganto ba talaga pag broken hearted? Nakatulugan ko na ang pag iyak at pag-iisip sa kung anong kulang sakin kagabi.

"Shit! Genesis ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Mukha ka ng aswang dahil sa kagagahan mo!" Sabi ko sa sarili at tila inis na inis. Eh kasi naman bakit hindi niya ba ko magustuhan? Umikot ako sa harap ng salamin para salatin ang aking sarili. Jusko! Tao pa ba ko?

Napag desisyonan ko na mag ayos ng bongga ngayon kasi naisip ko na kailangan maganda ako malay mo magkaroon kahit 0.1 na pag tingin sakin yung bwisit na Max na yun.

I saw kuya Caleb playing billiards of course with Max! Yung totoo ayaw ata ako pag move-onin ni tadhana. Bakit ko pa kailangan makita tong Max na to na ganto ang ayos? SOBRANG GWAPO! Ang gwapo-gwapo niya talaga sa paningin ko kahit ang simple lang ng suot niya pero shit ang muscle bakat na bakat sa hapit na hapit niyang t-shirt na pinatneran ng faded jeans at timberland na sapatos. Bago pa tumulo ng tuluyan ang laway ko nakita na ako ni kuya Caleb.

" Papasok ka na Genesis? " tanong ni kuya Caleb habang nag papag-pag ng kamay.

"Yup" sagot ko naman. Hanggat maaari inaawasan kong mapatingin kay Max dahil ramdam ko nanaman ang titig niya na tumatagos ang buto ko.

"Great! Sumabay ka na kay Max" nagulat naman ako sa sinabi ni kuya Caleb.

" What!?---uhm i mean hindi naman siya duon dadaan. May importante pang pupuntahan si kuya Max kaya wag na lang"  jusko lord! Seryoso ba tong si  kuya Caleb. Haler! Nag momove-on na nga yung tao oh. Tapos may pag sama moment pang magaganap.

" No. Actually dadaan din ako ng university kasi na miss ko eh mabuting bisitahin ko din " biglang sabi ni Max. Damn this man! Sana naman makaramdam siya! Ayaw ko siya makasama o makita manlang! Yung puso ko ang lakas na ng kabog dahil sa sobrang kaba para akong matatae na ewan.

" Oh yun naman pala eh! Sumabay ka na sa kuya Max mo" Duh as if may magagawa pa ako. Nakakainis pano kaya makakalimot ang isang tao eh kung yung tao na gusto niya kalimutan eh makakasama niya.

"Let's go Amor" sabi ni Max sabay hawak sa siko ko agad ko namang binawi. Geez! Na kukuryente ako sa simpleng pag dikit ng aming balat or paghawak. Napa tingin naman siya sakin na para bang nabigla sa ginawa ko pero naka bawi din at nag pati-una sa paglalakad. Nasa likodan niya ko at masaya ako dahil napapagmasdan ko siya ng malaya. Napabuntong hininga na lang ako.

'Genesis ano ba? Remember baby sister ka lang niya. Nothing more, nothing less kaya MOVE-ON!' sabi naman ng isip ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Max at dali naman akong sumakay at siya naman ay umikot para sumakay sa driver sit at ito kami ngayon mag katabi. Naaamoy ko ang pabango niya ayun yung niregalo ko nung pagka-graduate nila ni kuya Caleb. Nanunuot sa loob ng kotse niya ang pabango. Nagulat ako ng bigla lumapit sakin ni Max. Pumikit ako sa pag aakalang hahalikan niya ako pero labis ang panghihinayang ko ng walang labi ang lumapat sakin kaya dali kong binuksan ang aking mata.

"Seatbelt" tipid na sabi niya Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Jusko Genesis! Gaga ka talaga. Walang baby sister na hinahalikan sa labi! Kita ang naglalarong ngiti sa labi ni Max habang nag da-drive.

Nakatingin lang ako sa bintana habang tinatahak namin ang daan papuntang school nang bigla siyang magsalita.

"Amor, may nanliligaw na ba sayo? " napatingin naman ako sa kaniya. Pinigilan kong magulat sa kaniyang tinuran. Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng aking puso. Bakit niya tinatanong?

"Uhm meron na po Kuya Max" sabi ko habang pinag lalaruan ko ang daliri ko. Nakita ko ang pag dilim ng kanyang mukha na para bang hindi niya gusto ang kaniyang narinig.

"Sino? Sino siya Amor?" tanong niya. Hindi ko napigilan ang aking sarili dahil bigla akong nakaramdam ng pag kainis sa kaniyang pag akto. Ano naman sa kaniya ngayon?

"Wag mo ng tanungin Kuya Max. Wala ka na doon. Mind your own business" sabi ko na walang bakas ng kahit anong emosyon ang aking mukha.

"Yeah. Mind my own business huh. Well Amor you are my business" sabi niya habang naka taas ang sulok ng labi. Nakangisi nanaman siya at tangina lang dahil ang gwapo niya.

'Erase Genesis wag kang mag papadala'

"At kailan pa Kuya Max?" nakataas ang aking kilay dahil naiinis na talaga ako. Pinapaasa niya ba ako?

Unti-unti siyang lumapit sakin halos magkadikit na ang aming mga labi at grabeng kaba na ang nararamdaman ko para bang may kung ano ang nasa loob ng tiyan ko. Shet ang bango niya.

"The moment you said that you like me" natigilan ako pero bumalik sa isipan kung pano niya sabihin sakin na hindi niya ako gusto at hinding-hindi niya ako magugustuhan bigla na lang kumirot ang puso dahil sa alaalang iyon. Dali ko siyang tinulak at lumabas ng kotse buti na lang andito na kami sa school.
Anong karapatan niya? Baka nakakalimutan niya kung panong rejection ang natanggap ko mula sa kaniya. Malamang wala siyang ngayon mapag laruan kaya ako ang ginugulo niya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ito nanaman tumulo nanaman ang mga luha na ito dahil sa kaniya.

MASTER I'M YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon