''Aaaaaah!'' *Bam!* sigaw ko nung nahulog ako sa mataas na mataas na puno.
''Aaroooon! Huy! Ok ka lang ba? Makakakilos ka ba?'' sabi ni Ate sakin habang dali-dali akong tinayo at inalalayan.
''Ano ba kasing ginagawa mo dun?! At bakit ka... Haayy Nagtanong pa ko!''
''Ate naman! Paano ako makakababa diyan sa puno kung di ko puputulin yung sanga? Ang hirap-hirap kaya bumaba! Tapos nasaktan na nga ko sesermonan mo pa?'' pasigaw kong sabi.
''Hahahaha! Ano? Pinutol mo yung sanga para makababa ka dyan? Saka anong sinesermonan? Aba, aba Aaron! Kapatid lang naman kita at pinagkatiwala ako ni Mom na bantayan ka! Alam mo namang may sira ka sa utak diba? HAHAHA!''
''Aba! EWAN!''
Ang sakeeeet! Argh! Kainis! Kung kelan last day na ng summer saka pa ko dadalawin ni Mr. Malas... Haaay. Ah, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Aaron, Aaron Tennyson. At yun namang baliw kong kapatid, Si Ate Gwen yun, Gwen Zamora... Pero joke lang! XD Ano yun magkaiba kami ng apelyido? May asawa na siya? XD. Anyway, wala naman talaga akong sira sa utak! Ewan ko ba sa kanya kung bakit yung ang pagkakakilala niya sakin...
**
''Good Moooooorniiiiiiiing!!! Pasukan naman! Yehey! Hoy! Kapre! Gising na at kanina ka pa namin hinihintay dun sa baba!''
Tsk! Kainis naman tong babaeng to! Tawagin ba naman akong kapre? Ang gwapo ko kaya! Tas ang sarap sarap ng tulog ko gigisingin lang ako?!
''Ate naman! 5 minutes!'' paantok kong sabi.
''Suuus... Hindi, hindi! Tayo na dyan. Hindi ka ba masaya? First High School Moment mo to. Lahat bago. New school, new classmates, new room, new...''
''Oo na, oo na. Eto na nga. Tatayo na po MADAM!'' tsk! daming daldal eh!
''To naman! Nagkekwento lang eh. Oh siya bumaba ka na at kanina ka pa hinihintay ni Mom. Kilos. Kilos. Go! Go!
Go, go ka dyan! Inaantok pa kaya ako. Pero ako naman tong si Mr. Sunod. Haaay at yun na nga, hilamos, kaen, toothbrush and etc. XD. At pagkatapos...
''Aaron, Gwen... Ingat kayo ha. Pakabait, wag magsimula ng gulo ha. Makikinig kay techer. At ikaw Aaron. Alam ko heartthrob ka, wag kang magge-girlfriend ha at ingat sa basketball!'' haay , si Mom talaga ang OA.
''Akala ko po ba malaki na kami? Kaya na po namen sarili namen'' I said with a proudly voice.
''Kaya? Talaga? Eh yun ngang toothbrush na hinahanap-hanap mo, nasa bibig mo lang pala. Common sense naman na nasa bunganga mo lang yun dahil nagtu-TOOTHbrush ka! Oh baka naman sa kuko mo ginagamit yung toothbrush mo? Hahahaha!!''
Hindi naman ako ganun ah! Kuko? Sa toothbrush? Heh! Baka ikaw? Hindi nalang ako umimik kasi tama siya dun sa toothbrush na nasa bibig ko. At yun, umalis na ako ng tahimik.