One Shot Story: Some People

159 2 3
                                    

Ang hirap ng nasa sitwasyon ka na hate na hate ka ng isang tao kahit wala ka namang makitang dahilan kung bakit. Lalo na kung yung taong yun ang crush mo. Crush nga ba o MAHAL ko na?

Ahhhh.. Bakit ba kasi ganito?

Ako nga pala si Gino incoming 3rd yr. high school student

At may crush akong senior student na si Kelly * ang gay*

Isip bata sya kung minsan I mean madalas pala, tinuturing syang baby ng organization namin kahit na senior  na siya at may kakaiba syang personality na magpasaya ng mga tao sa paligid niya pero nakakatakot syang magalit at pinaka weird ay HATE NA HATE niya ako kahit di ko alam kung bakit.

Eto ngayon, nag-gigitara ako habang kumakanta yung iba naming kasama 

Sya naman nagbi-beat box kahit di marunong, kaay ayun nagpapaturo sya sa kaibigan na classmate nya na kasama rin namin.

"Wala ka sa beat"  sabi ko habang nag gigitara

"Eh pake mo! Kaya nga angpapaturo ako eh"  sabi niya sakin.. antaray talaga

"Gino, pahiram muna ng gitara, sasabayn ko lang si Kelly para magkaroon ng saysay ang pagtuturo sa kanya" sabi ni Ate Xela, yung kaibigan ni Kelly

"Ready na! Sabayan mo ko Xela ah!! Mabagal lang"  cute na sabi ni Kelly

Ang cute ni Kelly, senior student sya pero parang Grade 2.. haha joke!!

"Ang bilis mo naman Xela eh, sabayan mo naman ako.. wala ka sa beat!!!"  Kelly

Nagtawanan naman kaming lahat kasi pinipilit nyang dapat ang nag gigitara ang sasabay sa kanya.. ang kulit talaga.... siya naman talaga ang wala sa beat

"Ay nako. ayoko na, wala ka nang pag asang matuto, wala ka sa beat Kelly"  Sabi ni Ate Xela

"Andaya mo!!"  disappointed na sabi ni Kelly

"Ate Xela, ako nga po, turuan ko po si Kelly"  sabi ko kay Ate Xela sabay abot ng gitara

"Kelly, ganito kasi dapat kung gusto mo matuto iakw ang sumabay kasi beat box yan eh.. yung beat kasi ang mahalaga" dagdag ko pa

"Aba hindi mo na ko ginalang.. kay Xela may 'ate' tapos sakin Kelly lang"  inis na sabi sakin ni Kelly

Natatawa ako sa reaction nya.. mahalaga ba yun?

Eh ang sagwa naman na crush mo tapos tinatawag mong 'Ate'

Eh sa totoo lang mas matanda naman talaga ako sa kanya. Nag stop lang ako kaya 3rd yr. pa lang ako sa pasukan.. tsss

"Mas matanda ako sa'yo" sabi ko sa kanya

" Ewan ko sa'yo, che! kakanta na lang ako" sabi niya sabay banat ng 'I will always Love you'

Grabe halos magunaw ang mundo namin dahils sa boses niya.

One thing for sure hindi ganun kaganda ang boses niya pero ang cute niya apg kumakanta.. haha

Lalo akong humanga sa kanya kasi consistent honor student siya at nanalo siya sa mga contests sa school. Tapos lalo siya gumaganda, maganda naman siya dati pero hindi ganun kapansinin pero ngayon... Grabe hindi na siya cute ang GANDA na niya.

Maraming nagbago sa kanya pero hindi kasama dun ang pakikitungo niya sakin.. masungit pa rin siya sa akin... tsss

Ngayon may program ang school namin at tutugtog ang ITC Sessionistas na pride ng organization namin na ITC. Puro sila babaeng tumutugtog ng gitara, beat-box at shaker. Pero ang nakakapagtaka ngayon may keyboard/organ sa stage. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Story: Some PeopleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon