Chapter 26

2.1K 36 3
                                    

********** 0.0 **********

Chapter 26

NASA Board Meeting ako ng biglang pumasok sa loob ang assistant ko at nag mamadaling lumapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko kay Ron

"Sir ang Mama nyo po, kaylangan daw po kayong makausap, Importante po daw, tungkol sa Papa nyo" pagkasabi noon ay mag excuse muna ako saglit sa mga ka meeting ko.

"Ma?"

"Anak, ang Papa mo" sa boses pa lang ni Mama ay alam ko ng may hindi magandang nangyari kay Papa. Dali-dali kong tinawag si Ron at sinabihan na tapusin na ang meeting dahil may emergency ako sa bahay.

"ROSE, hindi pa ba tumatawag si Terrence.?" alas nueve na ng gabi at wala pa din si Terrence, nag aalala na ako. Hindi pa sya tumatawag mula pa kaninag umalis sya sa bahay.

"wala pa Ate, baka naman busy lang si Kuya Terrence diba sabi nya kanina ay may mga Meeting sya ngayon araw."

Pero iba kasi ang kutob ko, parang may mali, hindi naman ugali ni Terrence na hindi pagpaalam pag gagabihin ito ng uwi at ngayon nga ay mag alas dies na ng gabi wala pa din.

Dahil sa inaantok na ako at bawal sa akin ang mag puyat ay pumasok na ako sa kwarto kamin, binilinan ko lang si Rose na gisingin ako pag dumating n si Terrence.

Pero kahit nakahiga na ako sa kama ay hindi pa din ako makatulog kahit pakiramdam ko ay antok na antok. Bumangon ako at sinubukan ulit tawagan ang cellphone ni Terrence.

Pero nakailan subok na ako tawagan sya ay wala pa din.

"Terrence na saan ka na ba?"



TANGHALI na akong nagising pero wala pa din si Terrence sabi ni Rose ay ala una na sya ng madaling araw natulog pero wala pa din Terrence na dumating.

"Rose tawagan mo nga si Ditan, itanong mo kung alam nya kung nasaan si Terrence."

"sige po ate"

Pumasok muna ako sa kwarto ng mga bata para pakainin ng umagahan ang dalawang anak ko.

"Mommy, hindi ba umuwi si Daddy?" tanong ni Tyler ng magstart ko na sila pakainin

"Hindi baby, nasa office pa sya ngayon, masyadong busy ang daddy mo ngayon"

"Ok" sabi na lang nito at nag laro ulit.

Pag ayaw lumabas ng kwarto ni Tyler ay dito ko sila pinakakain sa kwarto nilang magkapatid, nagyon nga ay malaki na din si Tyra mag 3 years old na ito sa susunod na buwan kaya sobrang likot na din.

Pagkatapos kong pakainin ang dalawa ay lumabas na ako ng kwarto mamaya ko na lang sila papaliguan dahil busy pa sila sa pag lalaro.

"Ano Rose, nakausap mo na ba si Ditan?"

"hindi po daw nya alam kung nasaan si Kuta Terrence"

"Ok sige tatawag na lang ako sa opisina nya mamaya, ikaw na muna mag ayos ng mga pinagkainan natin, maliligo lang ako."

LUMIPAS ang isang araw pero wala pa din Terrence na umuwi sa bahay o tumawag man lang. Kanina pag tawag ko sa opisina nya ay wala din silang alam kung nasaan ang Boss nila, ang sabi lang ay umalis kahapon si Terrence kahit na madaming meeting na naka line up.

Sinubukan ko na ulit na tawagan ang number ni Terrence pero wala pa din, hindi ko pa din sya ma-contact. KAgino din noon naaksidente si Terrence ilan taon na ang nakakaraan, kaya grabe ang kaba ko, at parehong pareho din dahil buntis din ako noon sa pangalawa namen anak..

Sacrifice of a Woman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon