Chapter 3

9 0 0
                                    

*tok tok tok*

"sir Tyler! Sir Tyler! Gising na po sir Tyler." - Maid 1

*tit tit tit tit tit*

Tangina! Ano ba yung ingay na yon? Pagtingin ko sa bagay na tumutunog, nakita ko na alarm clock ko pala ang gumagawa ng ingay na yon.

7.30 na. Oh shit! I have an 8am class. How can I forget na it's the first day of school. Bumangon na agad ako at naligo, pagtapos ay kumuha na ako ng damit na maisusuot. Kinuha ko ang isang Plain White Shirt, Black denim pants at syempre ang aking Black leather jacket. Kinuha ko ang Black aviator shades ko sa may drawer kung saan nakalagay ang mga koleksyon ko ng shades. Kinuha ko na rin ang susi ng motor ko at madaling bumaba sa hagdanan. Dumiretso na agad ako sa garahe at sumakay ako sa mahal kong motor. Magsasalita pa sana ang isa sa mga maid namin pero agad kong hinarurot ang motor ko. 7:55 na. Fuck! Pero okay lang kahit malate, first day lang naman to, puro pagpapakilala lang naman ang gagawin sa school.

Nakarating na ko sa University na pinapasukan ko. Agad kong pinark ang motor ko sa parking lot tas dumiretso na agad akong pumasok sa main building para hanapin ang room ko. Habang naglalakad ako naririnig ko naman ang mga bulung-bulungan ng mga babaeng nakatambay sa corridor.

"shet! Girl ang gwapo talaga niya" - girl 1 (sinabi nya habang nakatitig at nakasmile sakin)

I just rolled my eyes. Ang aga aga lumalandi na agad. Kala niya naman papansinin ko siya. Nakakainis talaga mukha niya. Bwisit! Panira ng araw.

"gwapo talaga kahit masungit" - girl 2

"oo nga girl!" - girl 1

"pakipulot na yung panty ko girl, nalaglag na dahil sa kanya" - girl 3

Dumiretso nalang ako ng tingin habang naglalakad. Baka kapag pinansin ko pa eh himatayin na sila. Alam ko namang gwapo ako and no one can resist me, pero shemas naman, kailangan pa bang ipagkalandakan? And please, I don't like girls who talk like that. Parang walang class. Halatang malandi.

Nakarating na ko sa room ko. Marami ng tao pero wala pa yung prof. As usual ganon naman lagi kapag first day, tamad pumasok ang mga prof. Umupo na ko sa may bandang likod. Maya-maya ay dumating na ang mga kaibigan kong sila Samuel at Stephen. Sila yung mga kaklase ko nung freshmen palang kami.

Si Samuel Garcia, siya yung pinaka-maingay at pinaka-magulo saming tatlo. Anak mayaman tulad ko, ang dad niya ay may-ari ng isang law firm sa New York at ang mom niya naman ay may-ari ng isang bakeshop sa California.

Si Stephen Javier, tahimik rin na tao tulad ko. Matalino at masasabi ko rin naman na may ibubuga sya. Ang dad niya ay isang doctor samantalang ang mom niya naman ay may negosyo sa Amerika. Nakalimutan ko na kung ano negosyo ng nanay niya. Wala naman kasi akong pakialam kung ano estado nila sa buhay eh. Basta ako, tahimik ang buhay ko. Okay ako ng mag-isa.

"hoy pare! Kamusta? Di ka nagpapakita samin masyado" - Samuel

"oo nga pre. Masyado mo bang ninamnam ang last week ng bakasyon?" - Stephen

Nag-smirk lang ako sa kanila at tumungo na ko. Since wala pa naman yung prof eh matutulog muna ko dahil ang aga kong nagising kanina.

"tignan mo to. Bastos talaga tong batang to" - Samuel

"manahimik ka nga! Ang aga aga ang ingay mo! Para kang babaeng putak ng putak diyan" - sigaw ko kay Samuel.

Nakakabwisit kasi. Ang ingay ingay. Parang di lalaki.

"teka pre. Chill ka lang. Meron ka ba? Init ng ulo mo eh" - Samuel

Tinignan ko siya ng masama kaya naman tumahimik siya at tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko siya sa pulis. Leche talaga to puro kalokohan. Bumalik na uli ako sa pagkakatungo, pagod talaga ko. Kaso bigla namang dumating ang prof namin. Bwisit talaga! Malas! Ngayon pa dumating.

"good morning class. Sorry I'm late. I had a meeting with Dean De Castro. By the way I'm Ms. Bautista and I will be your professor in Oral Communication" - Ms. Bautista

Aba, okay tong prof na to. Maganda, mukhang bata pa, sexy, grabe ang hot niya.

"so check lang ako ng attendance para madismiss ko na agad kayo. If I call your name bring your COR with you and I will sign on it" - Ms. Bautista

Ano ba yan. Magche-check lang siya ng attendance tapos dismiss na. Hay gusto ko pa nga siyang titigan eh.

"Keller, Tyler" - Ms. Bautista

Lumapit naman ako dala ang COR ko. Habang pinipirmahan niya yung COR ay nakatitig ako sa kanya. Ang ganda niya lalo sa malapitan. Maganda ang korte ng mukha niya, at mukhang malusog din ang dibdib nito.

"fuck Tyler! Snap out of it" - sabi ko sa sarili ko.

Ini-abot niya na sakin ang COR ko. Nag-smile naman siya at nag-smile back naman ako. Bumalik na uli ako sa upuan ko. Nilagay ko ng maayos sa bag ko ang COR para siguradong di malulukot. Nilabas ko na ang earpods ko kasi maya-maya lang ay idi-dismiss na kami.

After 5 minutes ay dinismiss na kami ni Ms. Bautista. Lumabas naman ako agad, sumunod naman agad sila Stephen at Samuel sakin. Pumunta na kami sa room para sa next subject namin, magkaka-block kami kaya magkakasama kami. Pagdating naman namin sa room ay nandon na ang prof. Isang lalaking hula ko ay nasa edad 50 na. Matanda na to kaya siguro maaga dito sa room. Umupo na ako sa bandang likod at as usual nakasunod naman sakin tong sila Stephen at Samuel.

Nilagay ko ang earpods sa tenga ko at tumungo ako. Iidlip muna ko tutal wala pa naman ang mga kaklase namin.

Nagising naman ako dahil niyuyugyog ako ni Samuel. Leche talaga to. Bwisit! Tumingin ako sa kanya ng masama.

"pre di ako papalag pero magsisimula na kasi ang klase" - paliwanag ni Samuel

Buti nalang nagpaliwanag agad siya kundi baka nasapak ko na to. Nakita ko namang nakaupo lang ang prof namin, nagtatawag siya ng pangalan ng mga studyante, nag-aattendance ata tong matandang to. Nang tawagin ako nagtaas naman ako ng kamay at nagsabing "here" para alam niyang di ako absent.

May sinusulat siya sa board, first homework daw namin. Kinopya ko naman agad. Pagtapos namin kumopya ay dinismiss din agad kami. Anong aasahan niyo, first day nga eh. Malamang puro attendance lang yan.

Lunch break na. Pumunta kami sa cafeteria, nakakita naman kami ng bakanteng upuan. Si Samuel na ang umorder para samin. May silbi rin tong isang to eh. Pagbalik niya ay binigay agad niya ang pinabili kong sandwich at c2.

*eto lang muna guys. Sorry na bawi nalang ako. Hahahaha. Sana nagugustuhan niyo ang story na ginagawa ko. Binabagalan ko lang ang storya ayoko naman kasi ng masyadong mabilis. Osya yun lang*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I MISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon