Habang tumatagal ay maslalong dumadalas ang pagtatagpo ng landas namin ni Sage. Pilit akong umiiwas subalit pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.
Paano nga naman ako iiwas kung nagtratrabaho ang pamilya ko para sa kanila. We get are income to his family at hindi naman pwedeng ipakita ko ang pagkadisgusto ko sa kanilang anak. Madami ng nagawa ang pamilya nila para sa amin, nakakahiya naman kung ang kaisa-isa nilang anak ay kagagalitan ko pa.
Ano man ang nangyari sa una naming tagpo ay pawang dala ng kalasingan. Bilang kapalit narin sa lahat ng itinulong ng pamilya Sandoval sa pamilya namin ay aayusin ko rin ang pakikitungo ko dito sa abot ng aking makakaya.
"Malapit na pala ang Fiesta natin" tita Aria said habang busy ito sa pagluluto. I'm the one helping her in the kitchen habang si Mama naman ay umuwi para magluto ng pang hapunan namin.
"Oo nga po. May liga na nga po sa court eh"
"Talaga? Baka pwede mong samahan si Sage diyan sa court para makisalamuha naman siya sa iba. Ikaw lang ata kilala niyan dito eh."
Tututol sana ako kaso nakakahiya naman kung tatanggihan ko si Tita Aria.
"Sige po. " tipid ko siyang nginitian.
"Oh, thankyou Axia. I will tell this to Sage. " tita Aria said in glee.
"No need ma. I hear it. " Sage said out of nowhere. Kakapasok lang nito ng kusina.
"Narinig mo na pala. " she said as he glare at Sage. Pero nung humarap na siya sa akin ay lumiwanag na naman ang mga mata nito.
"I guess you should go Axia. Patapos naman na ito. Sage will help me na. Umuwi ka na at kumain para pagkatapos ay pwede na kayong pumunta manood ng liga. " masayang saad nito.
"Sige po Tita. " nagpaalam lang ako saglit at umuwi narin.
Kumain lang ako at nag-ayos narin ng sarili. I just wear a jersey short above the knee and a white loose shirt. Itinali ko rin pataas ang aking buhok.
Mayamaya lang ay may kumatok sa bahay.
"Elane, may kumakatok. " i shout. Mabilis naman itong tumalima at tinungo ang pinto.
"Ma, Pa, andito si kuya Sage. " Elane said.
"Pasok ka Sage. " mama said.
"Ataxia, andito na si Sage. Bilisan mo diyan. " mama shout.
Alam na ng mga ito na sasamahan ko si Sage. Hindi naman mahigpit sila mama at papa sa akin sadyang hindi lang ako palalabas na tao. Bahay at kila tita Aria lang ang madalas kong tambayan. May mga kakilala naman ako tulad ng mga kaklase ko noong akoy elementarya pero hindi ako malapit at laging nakikisalamuha.
"Opo. " hindi na nga nagtagal ay lumabas na ako. Nadatnan kong nakikipag usap si Sage kila Mama.
"I'll took care of her tito. " Sage said at tumayo narin ng mamataan ako.
"Tara na. "Aya ko dito.
Lumabas na kami at nagsimula ng maglakad. Ilang metro lang naman ang layo ng court.
Tahimik kaming naglalakad ni Sage. Nauuna ako dito at siya naman ay nasa aking likod. Mukhang walang tama ito ngayon. Matino eh. Subalit imbes na maginhawaan dahil wala ang kakulitan niya ngayon ay parang ang awkward ng atmosphere.
Huminto ako sa paglalakad. Huminto rin ito at naguguluhan kung bakit ako huminto.
"Sabayan mo naman akong maglakad, hindi yung nandiyan ka lang sa likuran ko. Mamaya may aso edi ako pa unang nakagat. Mas maganda ng may choice yung aso kung sino ang kakagatin. " kunyari irita kong saad dito. Gusto ko lang talagang mawala ang pagkailang dito kahit sa kabila ng mga nangyari sa amin. Hindi rin ganito ang Sage na nakilala ko. Parang naninibago ako at ayaw kong ganito ang maging turing nito sa akin.
"Hindi ko naman hahayaang makagat ka. " he seriously said. "Ako lang dapat ang kakagat sayo" dugtong nito at ngumiti ng nakakaloko.
Imbes na mainis dahil nagiging bastos na naman ito ay napangiti nalang ako. Atleast nawala na ang seryosong awra nito simula ng umalis kami. Nagtuloy kami sa paglalakad. Nasa tabi ko na ito hindi tulad kanina.
"Tuwing Fiesta ay may pa liga ang barangay. Ang bawat purok ay may representative na grupo. " i expalin to him. Kalahating metro nalang ang layo ng community center sa amin.
"Hmm. " tipid nitong saad.
'Anong problema nito? Okey na kami kanina ah? Tss, dibale na nga'
"Tapos may mga peryahan din. " dugtong ko pa. "Ipapakilala kita sa
mga kakilala ko kapag naroon na tayo."Okey. " tipid parin nitong saad.
Hindi na ako makatiis dahil sa pang snob nito sa akin. Kaya't natanong ko na siya.
"Anong problema mo? "
"Wala. " he said.
Alam kong meron itong kinaiiritaan. Sa kabila ng mga araw na nakakasalamuha ko ito ay parang naging open na sa akin ang ugali nito. Mababasa mo kung may malalaim itong iniisip o kaya may bumabagabag dito sa tuwing tahimik ito.
"Yung totoo? Bahala ka, pag dimo sinabi hindi narin kita kakausapin. "
Naiirita kong saad at mas binilisan ang paglalakad. Humabol naman ito sa akin."It's nothing. " he said as he grab my hands para pigilan ako sa paglalakad ng mabilis.
"Bahala ka. " i said. Why i'm i acting like this? Pabebe. Nakakaasar.
Narating na namin ang community center. Nagumpisa narin ang liga at kasalukuyang nasa first quarter palang ito. Paparating palang kami ay kita ko na ang pagbaling ng mga ulo ng mga tao sa amin. Matanda man o mga kaedad namin ay kita ang pagkamangha at adorasyon sa mga mata ng mga ito dahil sa katabi ko.
Sino ba naman ang hindi, isang matangkad na gwapo ang kasama ko. Sa kabila ng suot nitong sweat pants at manipis na black v neck shirt ay nagsusumigaw ito ng kagwapuhan. Hindi ko alam kung napapansin nito ang mga titig ng mga tao sa kanya o parang wala lang itong nakikita.
Bigla akong nairita na parang gusto kong dukutin ang mga mata ng mga ito. Parang hinuhubadan na nila sa mga isip nila si Sage.
Hinila ko si Sage at nagtungo sa may bandang gitnang bench ng gymnasium. Lahat ng madaanan namin ay napapabaling ng tingin sa amin.. ops.. kay Sage lang pala.
Sabay kaming umupo. Naging tutok lang ang panonood nito sa mga naglalaro. Hindi pansin ang mga titig ng mga tao. Mukhang sanay na ito sa atensyon kaya't parang wala lang ito sa kanya. Ako kasi ay ayaw ng atensyon. I hate people. Hindi naman ganun kataas ang confidence ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako bagay na tumabi dito.
"You okey? " Sage asked. Napansin niya siguro ang pagkahiya ko.
"Oo. Manood ka lang. Mukhang enjoy na enjoy ka eh. "
May sasabihin sana ito kaso nainterrupt ng may lumapit na babae sa amin. Si Coline. Isa sa mga kaklase ko noong elem. Maganda at Matalino kaya't kilala ng halos lahat ng mga kabataan dito.
"Axia, pakilala mo naman ako sa kasama mo.. " kumapit ito sa aking braso at pacute na sumulyap kay Sage.
"Hi.. "
Tumango lang naman ito bilang tugon. Tss... hanep, kauna-unahang nagsungit kay Coline. Famous..
"Ehem.. " pagkuha ko sa atensyon ng dalawa.
"Sage this is Coline... Coline this is Sage, anak ng mga Sandoval. " pagpapakilala ko sa dalawa.
Naging kilala ang pamilya Sandoval sa buong barangay dahil sa mayaman at mabait ang mga ito sa kapwa.
Authors note.
Hey. Mga bebe pls tap the button kung nagustuhan nyo. Feel free to comments. Thankyou

BINABASA MO ANG
Pleasure Under Pressure
RomanceWARNING: This story is not suitable for minors and sensitive readers. It contains scenes that are intended for mature readers only. There are violence, sexual or intimate scene and strong language that are written out of imagination of the author...