R18: It contains graphic sex scene.Therefore it is not suitable for sensitive and minor readers."Axia,sunod ka na sa malaking bahay."
"Opo Papa. "Kasalukuyan akong nag hahanap ng presintableng damit dito sa aking kwarto. Para ito sa gaganaping salo salo sa 'Malaking Bahay' kung saan nagtratrabaho si Mama bilang cook.
Sa isang taon kong pagkawala ay laking gulat ko sa paguwi ng meron na pala kaming kapit bahay na ubod ng yaman. May malaki at marangyang bahay sa dating taniman ng mais ilang metro lang ang layo sa amin.
Pagmamay-ari ito ng pamilya Sandoval subalit si Tita Aria at Tito Max lamang ang nakatira roon. Ang dahilan sa pagkakaroon ng handaan sa kanila ay dahil darating ang nag-iisa nilang anak na lalaki galing Maynila. Animo'y pa welcome party ito sa kaniya. Simpleng dinner lang naman ang mangyayari.
Hindi nga nagtagal ay nakapili na ako ng susuotin. Isang simpleng creamy white dress na hanggang tuhod at doll shoes na kaparehas ng kulay. Tinirintas ko lang ang medyo may kahabaan kong buhok then yun, tapos na.
Pagkarating ko sa bahay nila Tita Aria ay nakasalubong ko si Mama.
"Bakit ba ang tagal mo? " Mama asked. Siguro'y balak niya na akong sunduin.
"Sorry na Ma. Hindi ko kasi alam isusuot ko, kung bakit ba kasi kasama pa ako. " naiinis kong saad.
"Nakakahiya kila Aria kung hindi ka dadalo. Ibinilin ka niya sa akin. "
Me and tita Aria became close. She treat me like a real family. Oo nga't ganun din ang turing nila kay mama pero iba parin sa akin. Para tuloy nagkaroon ako ng ikalawang nanay. Open rin sila sa labas pasok kong pagpunta sa kanilang mansyon.
Sabay na kaming nagtungo ni Mama sa may pool area. Naroon na sila Tita Aria,Tito Max, Papa at si Elane, ang nakababata kong kapatid. Mag katabi si Tita Aria at tito Max. Sa tabi ni tita Aria ay ang nakatalikod na lalaki na sa palagay ko'y ang kanilang anak. Hindi ko kita ang itsura nito dahil salungat ang kanilang pwesto. Hindi katulad kila Papa at Elane na nakaharap sa amin.
Si Papa, Mama, Elane at sa pang huli ay ako. Ganyan ang pyesto namin sa hapag."Sorry po Tita Aria, natagalan po kasi ako sa pag preprepaire. " hinging paumanhin ko sa aking pagkahuli.
"It's okey Ataxia. " she said and gave me a warm smile. "So before we eat, let me introduce to you our son since tapos ko na siyang ipakilala kila mama mo. Ataxia, this is Sage. Sage, this is Ataxia. " tita said. Kasabay ng aking pagtingin sa kanilang anak ay bigla nalang tumigil ang mundo.
'Fuck. This man? Ang lalaking naka una sa akin? Ang lalaking nagpainit at nagpabaliw sa akin? Ang lalaking nagbigay ng matinding pagsisisi sa akin? '
Natutop ko ang aking bibig sa kamuntikan ko ng pagsigaw.
Tumingin ito sa akin ng may kislap ang mata at kababakasan ng gulat at pagkamangha.He just smirked on me. Bigla nalang nag-init ang aking pakiramdam. Kita ko ang pag daloy ng amusement sa mukha nito. Parang nang-aasar subalit mas nangingibabaw ang nakakaloko nitong anyo.
"So, let's eat. " tita Aria said na nagpagising sa akin sa pagkagulat.
Nagsimula na nga silang kumain subalit parang nawalan na ako ng gana. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Halos hindi ko na maitaas ang aking mukha dahil ayaw kong makita ito.
Sobrang pula na siguro ng itsura ko. Hindi na napansin nila mama ang tensyonado kong reaksyon dahil busy na sila sa pakikipag-usap kila Tita Aria. Hindi narin nila napansin ang pagpuslit ko papuntang kusina.Diretso kong tinungo ang ref at mabilis na kumuha ng malamig na tubig.
Gosh! Bakit ba ang daming kamalasang napupunta sa akin. Una, i gave my self to someone whom i don't know at ngayon, ang akala kong huling pagtatagpo namin ay bigla nalang naging mabilis na pangyayari. And now, kilala at andito ngayon ang lalaking puno't dulo ng lahat ng ito.

BINABASA MO ANG
Pleasure Under Pressure
RomanceWARNING: This story is not suitable for minors and sensitive readers. It contains scenes that are intended for mature readers only. There are violence, sexual or intimate scene and strong language that are written out of imagination of the author...