Chapter 18 (Never say goodbye)

1K 21 0
                                    

»»»graveh! alam mo yung feeling ng naghahanap pero wala kang clue kong anong hinahanap mo?ooohhh diba?? nakakawindang? badtrip talaga si big boss! tsk..chichikka muna si author ah...hehe..hayzz..sumusobra na kasi siya...kaya naman naisipan ko na isali siya dito..para makaganti haha...tss..bad author...hehhe...ganun po talaga...kung ano yung nararamdaman ng author...yun din ang nararamdaman ng mga characters...hayxxx...!

»»hey! Dessu! wag mo sabi babasahin to eh! hihihi..bawal nga to sa mga bata..(nyahh...:-P:-P)

...anyway..thanks for reading Dessu! gomawo...<3<3

Let's proceed»»»

Hindi na nagpaalam si Shin kay Ayen. Pagkatapos nilang mag usap ng kaniyang papa dumeretso na siya sa boardinghouse.

"yun! umuwi ka din? anyare te? anyare??bakit ngayon ka lang umuwi?" salubong sa kaniya ni Jane.

Umupo siya sa higaan niya at in off ang phone. Nagtaka naman si Jane kaya naman nilapitan siya nito.

"Ano bang problema mo Shin?"

"Jane...Si papa...nagkita na kami..."

"h-ha? I mean...tapos?"

"he wants me to come with him."

''you mean? pinapauwi ka na niya? teka..paano yung work mo? "

"okay lang naman yun,ang hindi ko lang matanggap ang malayo kay Ayen..."

Napailing si Jane. "akala ko pa naman galit pa rin ang papa mo sayo kaya hindi ka sasama sa kaniya,yun pala si Ayen lang ang dahilan. Gaano mo na ba kamahal si Ayen at hindi mo siya kayang tanggalin sa buhay mo?"

"Hindi ko alam...mahal ko siya..sigurado naman ako dun..kasi kung hindi ko siya mahal...hindi ko masasabi kina ate at papa ang tungkol samin..."

"okay..ano ng balak mo?"

"hindi ko pa alam..."

"malayo pa naman ang next sem..tapusin mo na lang muna yung work mo..then...umuwi ka na sa inyo.."

"paano si Ayen?"

"hindi yan ang tanong Shin..ang tanong ay..si Ayen o ang pamilya mo...I mean..mismong papa muna ang lumapit sayo..siguro napatawad ka na niya sa ginawa mo kaya pinababalik ka na niya...ayaw mo ba yun? di ba matagal mo ng pangarap na magkaron kayo ng closure ng father mo?"

"pero Jane...hindi ko kayang iwan si Ayen..."

"Shin..please wake up!" medyo naiinis na si Jane. " wala namang happy ending yang pagmamahalan niyo eh...face the truth..face the reality...sa tingin mo ba magiging masaya pa kayo kapag nalaman na ng lahat ang relasyon niyo? think about it...sa mga friends natin,sa work mo..sa relatives mo? ano na lang iisipin nila sayo?"

"hindi ko alam....naguguluhan ako..."

"hanggang maaga pa..makipaghiwalay ka na sa kaniya.."

"hindi yun ganun kadali...hindi ko kaya eh.."

"i think I said it all..its your turn to decide,sige na..may lakad pa kami ni Kyle. Iniwan na siya nitong mag-isa sa kwarto.

Dumating na ang kinakatakot niya. Ang mga bagay na tinakasan niya nuon ay bumabalik na uli sa kaniya. Alam niyang wala ng paraan para takasan pa ito. Hindi na niya alam pa ang gagawin. Mahirap pumili sa dalawang bagay na pareho mong gusto. Pero kailangan niyang magdesisyon. Pag-ibig o pamilya. Hindi ba pwedeng pagsabayin ang mga ito?ano ang mas matimbang?

Naisipan niyang tawagan ang papa niya.

"nakapagdecide ka na ba Shin?I won't take no for an answer." agad nitong sabi.

"pa..pwede bang pagbigyan niyo muna ako kahit hanggang matapos lang ang summer na to..pagkatapos..saka na ako magdedecide?"

"Shin..kung trabaho ang dahilan..pagbibigyan kita..pero kung ang karelasyon mo ang dahilan..I think dapat mo na rin paghandaan ang pagkawala namin sa buhay mo."

"papa..."

"Siguro nga I made mistake,ginulo ko ang relasyon niyo ni Kevin..pero masisisi mo ba ako? You are my daughter and I am your father..It's my duty to protect you..sana naman sa pagkakataong ito..gumawa ka naman ng mga bagay na ikatutuwa ng mga magulang mo."

"pa..sige..just a few months please..."

"okay. pero kapag hindi mo pa tinigilan ang kabaliwan mong iyan,wala na akong magagawa kundi kalimutan ka namin ng mama mo."

Nanghihinang napaupo si Shin.Bakit ba napakahirap magdesisyon? kaya ba niyang iwan si ayen?kaya niya bang iwan ito sa kabila ng pangako niyang hindi niya ito iiwan.?

Heartbeats (Ayen and Shin's Story) *girlxgirl*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon