I.Cellphone Diary

54 1 2
                                    

"CHA!Ano ba?Nakikinig ka ba?"Tanong ni Michael.

"Ano ka ba michael.Syempre hindi.Nakita mo namang dumaan si Fafa Nico eh."Sabi naman ni Jessy.

"FYI, It's mica."Maarteng sabi ni Michael.

As usual, tulala ako habang sinusundan ng tingin si Nicolas hanggang sa abot ng makakaya ng mga mata ko.Ang pogi nya talaga.

Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan ko.

"Ano?Kakain na ba kami ng popcorn at manonood sa mala drama rama sa hapon mong buhay?" Mataray na tanong ni Michael.

"Hindi."Sagot ko.

"tama na kasi yan girl.Wala kang pag asa dun!"Ani Michael.

Lokong to.Nakita na ngang lugmok na lugmok na ako dito, Ginatungan pa.

Siniko naman sya ni Jessy.

"Ang ibig nya sigurong sabihin eh, malamang na nakalimutan ka na nun."Ani Jessy.

Lalo akong nalugmok sa kinauupuan ko.

Natatarantang nagtinginan yung dalawa.

Pareho kasi silang hindi marunong makipagusap sa mga tao.Si Michael,bakla kaya hindi tanggap ng lipunan, Si jessy naman, hindi sinasadyang nasasabi nya yung mga nasa isip nya.Kung baga, walang filter.Kung ano yun, yun na mismo yung sasabihin nya.

Ako naman...Well...Ako, Hindi kasi ako pansin ng mga tao.Pwede mong tanungin yung mga naging kablockmate ko at sinisigurado ko sa inyo na tatanungin ka lang din nila kung sino ba ako.

So for short, kami yung mga squatters sa lipunan.Hindi kami gusto ng mga tao.Masakit pero totoo.

"CHANELLE FORTALEZA! STOP SIGHING!"Matinis na sigaw ni Michael.Binatukan sya ni Jessy at humingi ng tawad si Michael."Ang ibig kong sabihin,Kaya mo yan! Wag kang susuko!Gora lang!Ipaglaban mo ang puso mong binabalewala lang ng kabayong yan!!"

Napabuntong hininga ulit ako at bago pa makapagsalita ulit si Michael ay tinakpan na namin ni Jessy yung bunganga nyang nakabuka na.

"Tama na te.Gets ko na.Wag ka nang tumili."Sabi ko ng nakangiti.Tumango sya at tinanggal na namin ni jessy yung kamay namin pagkatapos ay sabay naming pinunas sa damit nya.

Kumuha ako ng alcohol mula sa bag at nag-alcohol ako pagkatapos ay pinasa ko kay Jessy.Kinuha nya ito at ganun din ang ginawa.Inamoy namin pareho yung kamay namin at ng sigurado na kami na wala ng amoy imburnal ay tinago ko na yung alcohol.

Sinamaan lang kami ng tingin ni Michael habang ginagawa namin ang ritual namin.

Eh sa totoo naman kasi.Mabaho yung bunganga nya kaya kailangan naming mag alcohol everytime na hindi sinasadya at hindi ginugusto naming takpan yung bunganga nya.

"Tara canteen tayo."Nakangiting sabi ko dun sa dalawa.Um-oo na lang sila pagkatapos ay pumunta na kami sa canteen para kumain.

"Narinig nyo ba?Wala na daw si Nico pati si Vannesa!"sabi ng babaeng hindi ko kakilala

"Talaga?!May pag asa na tayo sa wakas!" sabi naman ng isa pa.

Pumintig ang tenga ko sa narinig.Nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan pagkatapos ay nagsingitian kami na parang may masamang balak.Sa sobrang pagngiti namin ng masama ay nilayuan kami ng mga tao sa paligid namin at natatakot na umalis.

"Alam nyo ba ang ibig sabihin nito?"Sabi ko gamit ang boses kong pang contrabida.

"Oo."Sabi ni Jessy.

"Hindi.Ba't ba tayo nakangiti ng ganito?Ang pangit natin."Sabi ni Michael kaya binatukan ulit sya ni Jessy."ARAY-AY AY! GETS KO NA.OK ok.Gets ko na mga sis.HIHI.Game ngiti na ulit tayo."

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon