IV.Restraints

23 0 0
                                    

Nagsimula yon nung 8 years old pa lang ako.Naglalaro ako mag isa sa sandbox tapos bigla syang dumating.

"Hi.Anong nilalaro mo?"

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Angel."

Yan ang una kong nasabi.Mukha kasi syang may pakpak kasi natatakpan nya yung araw tapos yung ilaw ng araw nag mukhang pakpak nya.

"DES!DES GISING NA!"

"Leche.Sino ka ba?"

Dahan dahan na dinilat ko yung mata ko.

"Angel."

"Ayan ka nanaman eh.Tumayo ka na dyan.Malalate ka na!"

Nagising ang diwa ko at tinakpan ko yung mukha ko ng unan.MUKHA AKING BRUHA!Hinipan ko yung kamay ko.SHET MORNING BREATH!

"A-Anong ginagawa mo dito GAB?!"Sigaw ko.

"Kelan mo ba ako matututunang tawagang kuya?"Buntong hininga nya." Pinapunta ako ni Tita.Gisingin daw kita."

TT^TT mommy ahas ka talaga!alam mo namang may gusto ako dito kay Gab eh!

Ako nga pala si Destiny.Des for short.Wag Tiny kasi uupakan ko kayo kapag tinawag nyo akong tiny -_-

At eto naman si Gabriel.19 ako at 25 sya. Alam ko 6 years ang gap namin pero....Asawa ko yan.Syempre joke lang yon. Next week mag i- 11 years na yung  one sided love ko at hanggang ngayon hindi nya pa rin alam yung nararamdaman ko.

First time ko syang nakita sa sandbox sa isa sa mga park.May kausap kasi si Mommy noon at naiwan ako magisa tapos nakilaro sya sa akin.Simula noon nagustuhan ko na sya.Tapos kung sinuswerte nga naman, magkaibigan pa yung mga magulang namin.

Kaso nga lang...

"Bata,Kapag hindi ka pa tumayo dyan, hindi kita ihahatid sa school nyo."

>3<

Ayan.

Kung tratuhin nya ako para akong bata.19 na ako!Technically,Legal age na!Sya pa nga escort ko last year nung debut ko eh!Wag mong sabihing maski yon nakalimutan nya na?!BWISIT.

5th year college na ako samantalang si Gabriel naman ay nagt-trabaho na.Ang pogi nyan sa amerikana.

Tumayo ako sa kama at pumasok sa CR.

Kung akala nyo,hindi pa ako nag tatapat sa kanya, nagkakamali kayo.Ilang beses ko nang sinubukan kaso nga lang talagang manhid ata tong robot na to.

Naalala ko pa nung unang beses...

"Ano....G-G-GUSTO."Sabay turo ko sa kanya kasi nahihiya talaga ako kaso nga lang sinundan nya yung turo ko at tinignan nya yung takoyaki stand.

"Gusto mo?Teka bibilhan kita."

Tapos yung pangalawa....

"G-gab ano..."Inabot ko sa kanya yung love letter na pinagpuyatan ko.Binuksan nya pa sa harap ko tapos ngumiti lang sya.

"Magandang drawing to ah."

Drawing?Kinuha ko sa kanya yung papel at nakita ko yung drawing ng pinsan kong bata na nagpunta kagabi sa bahay.

At yung pangatlo...

"Gab.Matagal ko nang gustong sabihin to.Nahihiya lang ako.Mahal kita."

Yun na ata yung pinaka success kaso nginitian nya lang ako at sinabing "Mahal din kita!Parang kapatid na kita eh."

Sakit diba?

Hindi pa rin ako tumigil don.Hanggang ngayon gumagawa pa rin ako ng paraan para mapansin nya ako kaso...*Sigh* so far wala pa rin akong napapala.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon