"Tyron,5 seconds!" Sigaw ng nag papaandar ng concert.
"Tubig."
Inabot ko sa kanya yung inuminan nya.
"Okay.Wish me luck."Sabi nya tapos tumakbo na sya papunta sa stage.
Tama kayo ng basa.Si Tyron nga.Tyron Mendoza.He's currently the world's most famous rockstar.Hindi rockstar na pang scream-o.Banda kasi sila.Nasa taas na yung iba at huling huli lalabas si Tyron.At ako,Ako si Ella.Ella Evangelista. Ako ang assistant nya.
Siguro lahat ng babae magkakandarapa makuha lang yung pwesto ko.Pero ako?Kung may kukuha lang,ibibigay ko yung trabaho ko ng buong buo.Akala nila mabait si Tyron.Akala nila angel.Akala nila Maalalahanin.AKALA LANG NILA YON!
(*~*)9
Noong nakaraan! Pinasugod nya ako sa kasagsagan ng bagyo makakuha lang ng pancit canton!Tapos last week Pinagswimming nya ako sa lawa sa gitna ng park kasi may nahulog na papel nya tapos wala pang tatlong araw bago yon,Pinagshopping nya ako sa araw ng WHOLE SALE sa market.Nga pala,Tip lang,Kung makikisagupa kayo sa ganon,Siguraduhin nyong may dala kayong Armor.
Demonyo sya!Hindi ko lang magawang umalis sa trabahong to dahil sa kontrata.Kailangan kong magbayad ng tatlong beses ng sinu-sweldo ko buwan buwan kung talagang gusto kong makaalis sa kontratang to.
Siguro nagtataka kayo,Kelan pa naghire ng assistant ang isang tyron mendoza?Hindi naman kasi ina-announce na maghi-hire sya ng assistant.Ganito kasi ang nangyari nyan.
2 years ago....
"A-A...Ella, Gusto kita.Matagal na."
"H-huh?ha.Ha.Nag-Nagjojoke ka ba?"Gulat na gulat kong tanong.
"Seryoso ako."
Tumingin ako sa paligid.Ang daming nakatingin.Pero mas malala, nakatingin yung 3 bitches.
Papasikat pa lang si Tyron non kaya hindi pa sya gaanong kilala.Sabay kaming lumaki at nagkaisip kaya sobrang close kami.Hindi ko alam kung paano nangyari pero, nalaman ng mga bitches na yun yung nararamdaman ni Tyron para sa akin na kahit ako mismo ay walang kaalam alam at noong umaga bago magtapat si Tyron ng nararamdaman nya, Tinakot ako ng bitches na kapag hindi ko daw tinanggihan si Tyron,Hindi sya sisikat.Gagamitin daw nila ang impluwensya ng mga tatay nila.
Pangarap ni Tyron ang sumikat.Ewan ko ba kung bakit pero gusto nya kaya sinuportahan ko na lang sya kahit na ayaw ko sanang ipagpatuloy nya yung pangarap nya.Gusto ko kasi ako lang ang nakakakita sa kanya ngumiti,tumatawa at nangungulit.Kasi matagal ko na rin syang gusto.Kaso iba ang gusto nya.Ayaw ko namang pigilan sya kasi wala naman akong karapatan.
Kaya ginawa ko yung sinabi ng Bitches kahit na taliwas yon sa nararamdaman ko.Gusto ko sanang sabihin na gusto ko rin sya kaso magiging hadlang yon sa pangarap nya.Kaya Humindi ako.
"Sorry.Hanggang kapatid lang ang tingin ko sayo eh."Sabi ko.Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.Lumakas ang tulo ng mga luha ko nung nagsimula na ring umiyak si Tyron.
Tumakbo sya paalis at simula noon wala na kaming komunikasyon.Hindi na sya pumupunta sa bahay at hindi rin naman ako makapunta sa bahay nya dahil sa hiya.Hindi naman kasi ako kilala ng magulang nya.Mahirap lang ako at mayaman sya.
Simula ng araw na yon, hindi na kami nag uusap.Iniiwasan nya ako sa school at nagpapatuloy sya na para bang walang nangyari, Na parang hindi ako nabubuhay.Mahirap oo.Kasi nakikita ko yung taong mahal ko na iniiwasan ako.Kasi alam kong hindi na maibabalik yung kung anong meron kami dati.Kay anagpatuloy na lang ako sa buhay.Na para bang walang malaking nawala sa parte ng buhay ko.Sa parte ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Found
Short StoryA compilation of one shots.Start reading and I hope you enjoy! :)))