Continuation of Someone Will Love you. Plese support. Thank you!
----------------------------------------------------
"This coming friday is the last submittion of all of the requirements that I have been given to you last week. Is that clear?" announce ng Prof namin na nasa unahan.
"Yes, Sir." sagot naming lahat.
"Any question? Clarification? Violation." tanong nito. Nagtawanan lamang ang mga kaklase ko sa huli niyang sinambit. "It seems like you are not anymore intetested. Okay, goodbye. Dismissed." paalam ng Prof namin at lumabas na ng room.
Nagsilabasan na rin ang mga kaklase ko at ako na lamang ang natira sa loob ng kwarto. Isinulat ko muna kasi ang mga dapat kong gawin at ihanda sa darating na Finals.
Im in college now. Fourth year college, actually.
Ang bilis lang lumipas ng panahon. Pero ang paglimot sa nakaraan, hindi. Mahirap. Hanggang ngayon dala dala ko pa rin ito at ginagawang sandata para lumaban sa buhay.
Sa nagdaang apat na taon, marami ang nagbago sa buhay at pagkatao ko. Lumipat na rin kami ng bahay. Naginh bahagi na rin ng buhay ko si Tito Arturo. Ang may ari ng isang kompanyang pinagta trabahuhan ni papa. Marami pa ang dumating na bagong tao sa buhay. Ngunit ang pagtiwala ko sa ibang tao, wala. Lalo na kung usapan kaibaigan. Katulad ng dalawang taong papunta sa direksyon ko.
"Louie! Kanina ka pa namin hinihintay sa labas. Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Erik. Kasunod nito si Eros. Mga kaibigan ko sila.
"Isinusulat ko ang mga gawain namin na dapat ipasa. Malapif na ang Finals 'e kaya medyo busy ako." tugon ko.
"Wow! Heavy. Ano bang nakain mo, tol? Pahingi nga rin." natatwang saad ni Eros.
"Halatang stressed si, Louie. Naku, nakakabawas yan ng kagwapuhan." saad pa ni Erik.
"Kay Louie pwedeng mabawasan ang kagwapuhan. Pero, ikaw? Naku, wag kang magpapa stressed dahil wala ng mababawas sayo." direktang saad ni Eros kay Erik. Masakit talagang magsalita si Eros, lalo na kay Erik.
"Grabe ka naman. Kung hindi ako gwapo, bakit may jowa ako?" tanong ni Erik.
"Love is blind." tugon ni Eros at tumawa ng malakas.
Itinago ko na ang lahat ng gamit ko at tumayo na. Kailangan na naming umalis bago pa magsapakan ang dalawang to na nasa harap ko.
"Tumigil na nga kayo. Tara na." sumbat ko.
"Tara gutom na rin ako 'e." saad ni Erik. Lagi naman siyang gutom. Ni minsan hindi ko narinig ang salitang gutom sa kaniyang bibig.
Tumungo na kami sa naksanayan naming kainan. Nag order at kumain kami ng sabay sabay. An akala kong tahimik na kainan at hindi pala.
Tawa an at kwentuhan sang ginawa nina Erik at Eros. Minsan na papatingin pa sa amin ang ibang costumer dahil sa ingay ng tawa ng dalawa kong kasama.
Napatingin ako sa katapat naming mesa. May dalawang lalaking kumakain. Isang babaeng balingkinitan ang lumapit sa kanila at nagtanong kung pwedeng makitabi sa mesa.
And again, it reminds me of my past. Ang araw na nagkalapit kami ni Yna. Ganyan na ganyan rin ang pangyayare noon. Bakt ba kailangan pang ipaalala ang nakaraan. Di ba dapat kinakalimutan na lamang ang iyon? Pero parang pinag lalaruan ako ng tadhana. Lahat ng bagay na nakikita ko may naalala ako. Ang masakit pa, ang mga taong nanakit sakin ang madalas kong maaalala.
Oo inaamin kong may hinanakit pa rin ako sa kanila. Ngunit hindi na ito gaano kalaki. Noong mga unang araw, oo. Galit na galit ako. Ngunit natunaw na ito ng panahon. May mga oras pa nga noon na iniisip kong maghiganti sa kanila. Ang iparanas sa kanila ang sakit na pinadama nila sakin. Gusto kong magtiis at masaktan rin sila. Pero, hindi. Hindi ko ginawa. Naisip ko rin kasi na wala ring magbabago kahit maghiganti ako sa kanila araw araw. Sasayangin ko lamang ang oras ko sa kanila. Ang mga taong tulad nila ay hindi na dapat pa pinagtutuunan ng pansin. Bakit mo naman bibigyan ng oras ang mga taong, sinaktan ka? Mas katangahan kung pagtutuunan ko pa sila ng oras at panahon.