Lunch break na. Pero hindi ko pa rin makita kung nasaang lupalop nagsususuot ang dalawa kong kaibigan. Baka nambabae na naman. Tsk. Namumuro na talaga sila sakin. Nanggigil na naman ako 'e. Nakakairita dahil babae pa talaga ang pinaglalaruan ng dalawang lokong yon.
Napag pasiyahan kong maglakad lakad na muna at baka sakaling makita ko sina Erik at Eros. Ngunit iba ang nakit ko,
Nakita ko si Zariella.
Bigla akong natigilan. What? Bakit naman ako kakabahan? Relax, Louie
Naka upo ito sa isang malaking puno. Simple lamang ang suot nito. May dalang isang gitara. Kahit malayo layo ang distansiya namin, kitang kita ko pa rin ang ginagawa niya.
Nag gigitara gamit ang gunting. Seriously?
Natawa na lamang ako ng wala sa oras. Mukhang akong baliw sa mga oras na yon dahil bigla na lamang akong natawa. Pinagpatuloy niya pa rin ang pinag gagawa niya hanggang sa may maputol na isang string ng gitara.
Nilapitan ko na siya para tulungan ayusin ang gitara niya. Sino ba naman kasi ang gagawa non? Gunting ang gagamitin sa pag gitara? Tama ba yon? Hahaha.
"Tulungan na kita." Saad ko. Nagulat naman siya sa biglaan kong pagdating.
"A-ah s-sige..." Nahihiya nitong saad. She looks so cute every time her cheeks blushed.
"Bakit kasi gunting ang ginagamit mo?" Tanong ko habang inaayos ang kanyang gitara.
"Ano kasi...maganda yong tunog. Masakit kasi sa kamay 'e. Hehehe." Tugon nito. Wow. For the first time hindi na siya kinakabahab o nabulol sa pagsasalita.
"Nahihiya ka pa rin ba sakin? Kung ano man ang nakita mo sa CR noong isang araw, kalimutan mo na lang yon. Friends na lang tayo." Nakangiti kong saad. Teka? Kailan ko pa nagawang makipag kaibigan sa mga babae? Wala naman sigurong masama.
"Okay. Friends." Inabot pa nito ang kaniyang kamay. Syempre tinanggap ko rin para makipag kamayan.
Nakatitig lamang ako sa kaniya habang ang aming kamay ay magkahawak. Parang may kakaiba akong nararamdaman 'e. Parang may tambol akong naririnig na matagal ko ng hindi naririnig. Pagtibok na namiss kong maramdaman. Teka? Bakit tumitibok ang puso ko? Malamang buhay ako. Pero bakit ang lakas? Gutom lang siguro ako.
"Two less lonely people in the world and its gonna be fine. Out of the people in the world I just can't believe you're mine.." Dumaan sa harap namin sina Eros at Erik habang kumakanta. Mga walangya. Ngunit ang gawa nila parang napadaan at di nila kami tinitingnan. Ang lalakas ng mga trip neto. Nag aadik na ata ang dalawang yon.
"Louie, yong kamay ko." Biglang saad ni Zariella. Ay, andiyan pa pala siya. Nabuhayan ako kaya biglaan kong binitawan ang kamay niya.
"Sorry." Paumanhin ko.
Nginitian niya lamang ako.
"Marunong ka rin mag gitara?" Tanong niya.
"Yes. Si papa ang nagturo sa akin." Tugon ko. Yes, si papa talaga ang nagturo sakin. Nakahiligan ko kasi sabi niya, napa ibig niya si mama dahil sa pang haharana niya gamit ang gitara.
"Ang saya naman. Supportive ang magulang mo." Saad ni Zariella. "Magulang ko kasi hindi."
"What do you mean?" Tanong ko.