dinner date (part 2)

149 5 0
                                    

bumuntong hininga ako bago ko pihitin pabukas ang pintuan ng mamahaling restaurant na to. taas noo akong naglakad habang hinahanap ang table kung saan ba naroon ang lalaking iyon. nabaling ang atensyon ko sa lalaking kumaway. siya na nga iyon. huminto ako saglit, inayos ko ang damit kong hoody. kailangan ko ito para hindi ako pagkaguluhan.

(cindy at the side :))) )

"ano pa bang dapat nating pag-usapan?" panimula ko na halata namang iritado dahil sa tono ng boses ko. nagulat nalang ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.

"kakarating mo lang ang sungit mo agad. anong gusto mong kainin?" agad kong hinila ang kamay ko. eew! bakit ba ang bait-bait nito ngayon? ang lambing ng boses niya.hindi naman yan ganyan umakto dati ha?

"oh i forgot, hindi pala ako pumunta dito to have dinner date with you, sabi mo diba you want to have us a sincerely talk? c'mon! you can start now. sayang ang oras ko" nakita ko siyang lumunok. tumingin siya sa mga tao sa paligid at napatingin nadin ako. aba! sorry naman kung napapalakas ang boses ko. ang awkward na kasi ng sitwasyon!

"charity"

"it's cindy!" pagtatama ko sa kanya. nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya. 

"about two years ago. i-- i-- i just w-ant"

"if you just want to say sorry, it's not worth it. you know tyler, you don't know how much you've hurt me. i tried to understand your stupid reasons why you left me, pero im sorry.. kasi kahit sinong tao hindi ka maiintindihan" i calm my voice. i know it's shaking and anytime tutulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. bakit ba ganito? bakit ko to nararamdaman? diba dapat wala na? di ba dapat hindi nako naapektuhan?

"charity, please let me explain" he put his hand above mine. but this time, mas mahigpit ang kapit niya.

"i told you, it's CINDY. I DON'T NEED YOUR EXPLANATIONS TYLER." umiwas na ako ng tingin sa kanya at umalis na sa lugar na iyon. agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang mga luhang pwedeng tumulo anytime.

tinungo ko ang kotse ko, at kinuha ang susi sa loob ng bag ko. ngunit para akong tanga na hindi mabuksan ang pintuan ng kotse ko dahil sa sobrang pagkataranta. ano ba! gusto ko ng umalis sa lugar na to. NANG mabuksan ko na ito, agad akong pumasok sa loob at akmang sasaran na ang pinto ng maharang iyon ni tyler. wala siyang pasabe at agad ding umupo sa passenger seat. 

"hey hey stop crying" he said while wiping my tears. heto na, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.. shit! bakit ako umiiyak? bakit ako umiiyak sa harap ng lalaking gumago at pinagmukha akong tanga? 

"HAYOP KA! NAPAKAWALANGHIYA MO TYLER! HAYOP KA! *hik-hik* BAKIT AKO PA? AKALA KO BA IBA AKO SA MGA BABAENG SYINOTA MO??? AKALA KO BA SERYOSO YUNG ATEN? BAKIT MO KO INIWAN? H--HAYOP KA!!!!!" Pinagsususuntok ko siya sa braso habang humihikbi na dahil sa lakas ng hagulgol ko. shit! kulang pa ang sampal at suntok na ibinibigay ko sa kanya. kulang na kulang pa yun sa mga pasakit niya sakin nung kami pa. 

para naman akong namanhid dahil bigla niya nalang idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. nakapikit lang siya habang hawak-hawak niya ang mukha ko. pilit kong tinatanggal iyon ngunit sadyang malakas siya at mahigpit ang pagkakahawak niya. ilang sandali pa, naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa mga pisngi ko. shit! ano to? muli kong sinubukan na tanggalin ang mga kamay niya ngunit nagsalita siya.

"please let me stay like this. i don't want you to see me crying." dahil sa sinabi niya, hinayaan ko nalang siya at pinakinggan. "you don't really know how sorry i'am. pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo charity. God knows, kung gaano ako nilamon ng konsensya ko." he continued. inipon ko ang lakas ko para matanggal ang kamay niya sa muka ko. nagtagumpay naman ako. ang totoo ay naiilang ako sa sitwasyon. hindi ko to inexpect. everything was unexpected. ayoko din na magpaliwanag pa siya kasi first of all, ayoko na siyang bumalik sa buhay ko. kinalimutan ko na ang tyler sa buhay ni charity. ako na si cindy ngayon, at kung magmamahal man akong muli, hindi na si tyler yun. hindi na sa katulad niya. ONCE is enough. and i know that there is someone who DESERVES me better than tyler.

"ayoko na ng drama tyler. sawang-sawa nakong umiyak. umiyak ako hindi dahil MAHAL PA KITA, kundi dahil lang sa sobrang galit ako sayo. YUN LANG YUN. itatak mo yan sa utak mo." oo, alam ko sagad sa buto yung mga sinabi ko. aba! pasalamat nga siya at mga SALITA lang yan. malayo sa bituka yan!

"oh and one more thing. ayan ticket oh! pumunta ka sa concert namin. for you to see kung sino ang sinayang mo!" sabi ko sabay bato sa kanya ng ticket. oo binato ko talaga! aba hindi naman masakit yun diba? pasalamat nga siya at nakalibre siya nun. mahal yun ha! pang VIP ticket pa yung binigay ko sa kanya.. kinuha niya naman yung ticket tsaka niya pinunasan yung mga luha niya. ugh! kailang. -_____-

"bumaba kana." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. nakita ko naman siyang ngumiti. abnormal ba yun? kanina iiyak-iiyak tapos ngayon nakangiti. aba ayos yan!

"asahan mo ko sa concert mo" pahabol niya tsaka siya bumaba ng kotse ko. agad ko namang pinaharurut ang sasakyan pauwi ng bahay.

--

"kanina pa kita hinihintay, bakit ang tagal mo?" bungad ni thurstan. 11pm na pala at naghihintay parin siya sa pintuan. tulog na ang lahat maliban sa kanya. 

"bakit mo pa ko hinintay, napupuyat ka tuloy ng dahil sakin." nilapag ko ang bag ko sa sala at pumunta sa may kusina para sana kumuha ng tubig. si thurstan? heto parang asong nakabuntot. *kidding*

"cindy" nagulat nalang ako ng yakapin ako ni thurstan from my back. ipinatong niya din ang baba niya sa balikat ko. ano ba yan, ramdam na ramdam ko tuloy yung hininga niya sa leeg ko. "hinawakan niya ba ang kamay mo? o may mas malala pa doon?" dugtong pa nito. ha? ano daw? pinagsasabi nitong lalaking to? "i'm reffering to your ex-boyfriend, pssh" aba! ang sungit naman talaga oh! PMS???? 

"eh ano naman sayo kung hinawakan niya ang kamay ko? are you jelous?" pang-aasar ko sa kanya.. 

"o-ofcourse not! psssh. getting jelous with that stupid playboy? di hamak naman na mas gwapo ako dun!" pffffft. pwedeng matawa? he's obvious isn't he? >:D tiningnan ko siya ng nakakalokong tingin...

"what?" iritadong sagot niya. lumapit naman ako ng lumapit sa kanya at hinawakan ko ang baba niya.

"aminin mo na kasing nagseselos ka!" 

"i said ofcourse not!"

"nagsisinungaling ka! nagsisinungaling ka!" 

"i'm not" 

"anong hindi. tignan mo nga hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko! psssh jan ka na nga!" magwo-walk out na sana ako ng hatakin niya ko pabalik at hawakan sa bewang. shit! he's inches from me.

"oo tama ka. nagseselos ako, ano masaya ka na?" 

-- 

ANNYEOOOOOOONG! ;)))) SORRY FOR LONG UPDATE. NATAMBAKAN AKO, ANG DAMI KONG INEEDIT. HAPPY READING GUYS :) 

He is Just a Casanova! and nothing more..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon