Chapter One

280 7 6
                                    

CHAPTER ONE

"NIXIEEEEEEEEEEEE!!"

Sa bawat paggising ko sigaw lagi ni mama yung naririnig ko. Nakakainis! Wala na ba talaga kong karapatang magpahinga? Kahit isang araw lang? Namimiss ko na yung dating buhay namin.

"ANO BA!? BUMANGON KA NA NGA DIYAN! NAPAKABATUGAN MO TALAGA!!" sabay hila niya sa kumot at paa ko.

"Ma naman....."

Wala akong lakas bumangon ngayon pero pinilit ko pa rin.

Nag-unat na ako ng katawan at pinunasan ang gilid ng labi ko alam niyo na baka may natuyong kung ano.

"Bilisan mong bumaba dahil...."

Hindi ko na pinatapos si mama at ako na ang nagtuloy ng sinasabi niya paano alam na alam ko na kung anong kasunod ng sasabihin niya.

"Maraming customer ngayon! Alam mo na kailangan natin ng pera! Kailangan nating kumita! Dahil wala ng trabaho ang papa mo."

Nakita kong nagulat si mama pero napalitan din yun ng lungkot at napaupo nalang ito sa kama.

"Mama alam ko po, alam ko yung mga bagay na yan. Alam ko din pong hindi na tulad ng dati yung buhay natin"

Tumayo si mama at lumapit sa akin, niyakap niya ko.

"Pasensya ka na princess kung naging ganito ang buhay niyo ng kapatid mo kung ginamit lang sana ng papa mo ang isip niya hindi tayo mahihirapan ng ganito"

Pagkasabi ni mama ng mga yun lumubas na siya ng kwarto. Ang hirap na nakikita mo yung pamilya mo na nahihirapan.

Pagkatapos kong mag-ayos dali-dali na akong bumaba at dinatnan ko na silang nag-aalmusal.

"Good Morning!"

"O gising na pala ang prinsesa namin, halika kana dito para makakain kana"

"Opo"

Malaki pa rin naman yung bahay namin, nagpapasalamat nga kami sa kaibigan ni mama na tumulong para hindi na maisama to sa mga kinuha nilang properties bilang kabayaran sa ibang pagkakautang ni papa.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami galit sa kanya, may sama pa rin naman kami ng loob pero iniiwasan nalang naming pag-usapan para hindi na rin dibdibin ni papa yung ginawa niya noong una kasi muntik na siyang magsuicide nang mag-away sila ni mama dahil sa ginawa niya kaya simula noon hindi nakami nagsisihan.

"Nicollo bakit hindi ka kumakain?" si mama

Si Nicollo ang nag-iisang lalaking kapatid ko. Hindi nagkakalayo ang edad namin pero ako pa rin yung mas matanda. Kung maganda ang prinsesa syempre gwapo rin ang prinsipe :D

"Baby bakit hindi ka kumakain ha?"

Oo kung hindi prince ang tawag ko sa kanya 'Baby' awkward ba? haha

"Pwede ba!? Tigilan mo nga yang pagtawag sa aking baby! Kadiri ka!"

"Bakit ba?! Cute nga e baby brothaaaaa!!! Pakiss nga! :*"

"Busit! Makaalis na nga!"

Padabog na kinuha ang bag niya.

"Teka bakit may dalang bag yun pa, ma? Sunday ngayon ah?"

"Sigurado pupunta nanaman yun sa mga kaibigan niya at gigimik"

Gigimik? Kelan pa yun natutong gumimik?

"Madalas nga daw yung makita sa Bar"

"Bar?!"

Kailan pa siya natutong magbar!? Lagot sa akin ang batang yun kapag nahuli ko siya! ganito na nga ang buhay namin nakukuha niya pang gumimik at magBar!

My Secret Bride ♡ChanDara♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon