Nilogout ko na ang account ko dahil sa sobrang inis. Gusto ko magrelax at magpalamig hindi lang physically pati nadin ng ulo. “Choco! Tara shopping tayo!” sabi ko sa kanya. “O’sge, wala din naman tayong ginagawa dito eh, wait lang maliligo’t magbibihis lang ako.” ,” Okay, I’ll wait nalang sa labas kita tayo dun.”
Naligo na agad ako at nagbihis ng pangalis.
Kinuha ko nadin yung bag ko, at bumaba para magpaalam Kayla mommy.
“Bye mommy, pakisabi nalang po kay daddy ha, pasyal lang po muna kami.” Sabay kiss kay mommy. J)
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Choco na naghihintay.
“Antagal mo naman!” “Sorry naman dba xD, Tara na nga!”
Sumakay na kami ng Taxi, at nagpunta sa Mall.
At saglit lang ay nakarating na kami doon.
Umikot ikot muna kami. Pumunta kami ni Choco sa mga Boutiqe stores at namili.
Pero si Choco mahilig kasi yan magsukatsukat pa in one word magaling siya pumorma, pero ako more on skirts,shirts,blouse, or dress lang ang gusto ko. Simple lang ako manamit. I don’t even wear shorts, I feel so uncomfortable with it.
“Choco, punta lang muna ako sa Blue Magic, gusto ko tumingin ng mga bears eh.” Sabi ko sa kanya kasi eversince mahilig nako sa mga bears. “Sige Candy, kita tayo sa foodcourt ha.” At nagtungo na nga ako sa Blue Magic.
CHRIS’ POV
Andito kami ngayon sa may mall, nagaya kasi tong si Charles. May pagkamaarte tong lalaki nato na sobrang ayaw sa initan. Hindi sanay, parang bading nga eh. Pero kahit ganyan siya chickboy at habulin ng mga bading at babae XD Ako din naman, pero ako iniignore ko, Siya puro accept ng girls.
Tumitingin kami ng mga Pants, polo, and Tshirts ngayon , mahilig kasi kami sa pormahan, which is namana naming sa Daddy ko at Mommy niya na magkapadatid. Madami na siyang nabili, At ako dahil mabagal ako kumilos yung mga Tshirt, bawat kuha ko , sinusukat ko pa.
Nang natapos si Charles “Insan, wait lang ha, punta lang ako sa may blue magic” sabi niya.
“Ano naman gagawin mo dun? Bakla ! :3” Pangaasar ko sa kaniya.
“So Bakla agad pagbibili ng bear para sa panliligaw ha?” Inis na sabi ni Charles.
“Sorry naman pre! Hahaha! O’sge na ikaw na nanliligaw! Akala ko ba laruan lang babae para sa’yo? XD” Sabi ko sa kanya na patawa.
“Ganun na nga, nililibang ko lang sarili ko, since magfo4th yr. nako, inienjoy ko na yung time na bata pako” psshhh .. sa pagkakaalam ko dapat magaral muna. May tama to sa utak eh. Haayy.. “Okay Sge, bahala ka :3” yan nalang ang sinabi ko sa kanya at umalis na siya. At ako kumuha pa ng mga damit para masukat at mabili na.
CHARLES’ POV
Papunta ako ng Blue Magic ngayon. Habang naglalakad, napadaan ako sa Jollibee.
Gizz naalala ko nanaman yung halimaw na babaeng yun :3 >.<
Flashback:
Umalis kami nila mommy and daddy. Nagmall kami namili ng mga gamit at iba. Namasyal etc. Pero sabi ni mommy na pumunta daw muna ako kung saan saan, para magikot at bumili ng kung ano ano. “Charles saglit lang kami haa” sabi ni mommy. “Opo mommy.”. “Babalikan ka naming agad.” Sabi ni daddy. “Kahit dina. Pshh. Pakiingatan si mommy” sabi ko sa kanya. “Charles!” sabi ni mommy at inawat siya ni daddy. Galit talaga ako sa daddy ko kasi dati sinasaktan niya yung mommy ko at lagi sila nagtatalo noon. Kaya di kami madalas magkasundo dahil sa bawat nakikita ko.
Naiwan ako sa mall at sa di sinasadya, Nadaanan ko yung Jollibee kaya naman pumasok muna ako dun para umupo. Nang makaupo na ko, medyo nabored ako sa kahihintay kaya dapat bibili na ko ng fries and coakfloat pero *beep beep* ‘1 MSG from mom’ Nung inopen ko ito ‘Nak, dito na kotse sa labas, bilisan mo lang kasi, baka matraffic pa tayo’
Agad agad akong tumayo at kumaripas ng takbo :3 Kasi nga baka nga matraffic pa at madami pang kailangan gawin sila mommy. Sa di inaasahang pangyayari ‘BOOG!’ nakabangga pa ko ng babae :3. Pagtingin ko ay nagandahan ako sa kanya *O* dahil sa maputi siya, maganda ang mata, ang ilong at bibig at halos buong katawan pero simple manamit. Kaya para maiwasan ko nalang agad siya, dirediretso ako at nilakihan ko mga hakbang ko para man lang Mabilis na makarating Kayla mommy.
Pero hinabol niya ko, at sa di ko inaasahan, sinigawan niya ko. TURN OFF, nabwisit ako kaya di ko pinansin, binigyan ko siya ng 1,000 bilang kapalit pero hindi din pala tinanggap, so umalis na ako. Sa buong akala ko napakabait nun. Pero may point si Chris ‘Baka naging bastos ako sa ginawa ko , Pero hayaan na..
End of Flashback..
Nakarating na ko sa Blue Magic. Naghanap ako ng mga Teddy Bear na pwedeng gamitin sa pangliligaw. Libangan lang naman :D
Maya maya pa’y nakakita ako ng isang malaking Teddy Bear na color violet . Nacute an ako dito. Siguro magugustuhan to ng babae na gusto ko. Nilapitan ko ito at hahawakan ko na sana kaso biglang may isang kamay na humawak din dito kaya naman, ang nangyari, yung kamay ng babae yung nahawakan ko at hindi yung bear :’3 magsosorry na sana ako nang biglang “Ayy ! so..” “IKAW NANAMAN! ”
NIKKI’S POV
Pagpunta ko sa blue magic, isa lang pumukaw ng pansin ko. Yung yung bear na violet , my fav. Color <3 hihi :”> na malaki. Na noon pa man ay gusto ko na, di ko siya binibili dahil sa Humingi ako kay God ng sign na if ever na magkakaroon ako ng relationship with a man , Siya na yung para sakin kapag nakatanggap ako ng violet na malaking bear.
Nilapitan ko ito, Then I was about to touch it but suddenly “Ayy. So..” May humawak dito at nahawakan ko yung kamay nung boy at hindi yung bear. Pagkatingin ko sa guy “IKAW NANAMAN!” sabay naming sabi. I’m not expecting na magkikita kami nanaman dito.
“Tadhana nga naman ohh.. Nakita ko nanaman ang unggoy na pinagmulan ng isang tao, which is discovered by Charles Darwin, Kapangalan ko pa. Abay antalino ko talaga !HAHAHA!” Sa sobrang inis ko sinuntok ko lang naman yung braso niya “Grrr.. Nakakainis ka! Panira ng araw”
At this time parang naninikip yung dibdib ko at nahihirapan ako huminga. Haaayyy .. agad agad ko kinuha yung pang puff ko .. “Unggoy anyare? Okay kalang ba?” . “Okay ako Jimmy Neutron!”
Sa sobrang inis ko di ko na siya kinausap at umalis agad ako sa May Blue Magic at pumunta na ako doon sa may foodcourt para hanpin si Choco.