Letter: 18

18 2 0
                                    

Time check: 11:52 am

Dear You,
         
          I will focus on my study. Pasensya na kung ititigil ko na lahat ng kahibangan kong ito. Wala narin naman akong nararamdaman pa dahil nalubos na sa taong iiwan rin lang ako. Siguro ang masasabi ko nalang ay yung, hindi ako galit. Swear hindi ako galit kahit sobra sobra akong nasaktan. Siguro dahil mas lamang sakin yung pasasalamat dahil nung nag iisa ako dumating sya. Kahit sandali lang pinaramdam nya sakin na hindi ako mag iisa na lagi syang nandyan. Pero mali ang salitang laging nandyan dahil may hangganan ang lahat. Gusto kong matupad ang lahat ng pangako at pangarap ng kasama sya pero hindi narin naman talaga magagawa kaya ako nalang ang tutupad non dahil sayang naman. Dati gusto kong tuparin lahat yon ng dahil sakanya, ngayon para sa sarili ko nalang. Tutuparin ko lahat ng yon para sa sarili ko dahil alam ko na darating din ang araw na magiging masaya rin ako, yung tunay na saya na walang iniindang sakit ng nakaraan. Ang araw na maibabalik ko ang tunay na ako bilang ako nung oras na nandyan pa sya. Dahil ang pagbabago nato na tanging sakit ang dahilan kaya ang paglilom lahat ng sakit ay darating din at tuluyang makakalaya sa aking nakaraan.

                                                   Nagmamahal,
                                                           Angel.

Letters for you (Dear Future Husband)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon