Gusto kita, mahal mo siya kaya tama na

7 0 0
                                    

Gusto kita pero mahal mo siya
Ngunit hanggang tanaw ka nalang rin sa kanya
Mga hinanakit mo pinapkinggan ko
Mga ala-ala niyo pinapakinggan mo

Minsan tatawanan ko at kunwari kikiligin sa inyo
Pero sa loob loob nito nais kong sabihin sayong tama na
Hindi ko na kayang maging masaya
Habang ikinikwento mo ang nakaraan niyong dalawa

Mga pangarap na sabay niyong binuo
Mga pangako sa isat-isa
Parang awa tama na

Pinipilit kong pigilan ang sinasabi ng pusong ito
Pilit kong sinasabing nag iilusyon lang ako
Ilang beses ko na ring sinabi na wala akong gusto sayo
PERO tangina ngitian mo lang ako limot ko lahat ng sinabi ko

Gusto kita
Mahal mo siya
Kaya tama na

Random !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon