Chapter 4

7 0 0
                                    

Shatz' pov

Naglalakad ako... di ko alam kung san patungo tong nilalakaran ko o may patutunguhan pa ba to..

Plok*

"S-S-Sorry m-miss!!"- hingi ng tawad sakin ng isang lalakeng matangkad na maputi, with his nerdy glasses on.. cute naman eh... sakto lang. kabado masyado.

Tinanguan ko lang sya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Lumiko ako sa bandang kaliwa, ng may nag vibrate sa bulsa ko. Di ako interesado sa dildo o kung ano mang mahahalay na gamit kaya alam kong cellphone yon.

Sent from: Gab
'20 minutes..ibang lecturer. Yun lang gg punta ka na ditetch :*'

Di na ko nag abalang mag reply.

"Miss ilag!"

Di man sigurado ay itinabingi ko ang ulo ko pakanan at konting tinagilid ang braso tsaka huminto sa paglalakad kung sakaling may tatamang ano man.

Kutsilyo...

Muntik ng dumaplis sa pisngi ko. Tumalikod ako para lang makita ang lalaking may hawak na chopping board at isang mansanas. Sa likod ay lalaking moreno na naka apron. Sa HRM department pala ko napadpad..

"A-atee halaaa sorryyy!! Hindi namin sinasadya!! Si ken kasi ehhhh! Promise hindi ako yung nagbato!! Di rin nya alam na padaan kayo!!!"

Di ko na sya pinansin at tinalikuran na sya.. Muntik na silang makasakit ng tao. Muntik na silang may masaktan ng hindi man lang napapansin. Sinong tangang maghahagis ng kutsilyo at aasang safe ang sino mang mapupunta sa direksyon na pinagbatuhan nito?

May humawak sa balikat ko kaya lumingon ako ulit..

Yung lalaking may chopping board.

"H-hindi ka man lang ba magagalit?"- hinabol nya ba ko para lang dun? Tinignan ko yung kamay nya na nasa balikat ko kaya agad nya naman nya inalis yun.

"Bakit.."- tanong ko sa kanya

"A-anong b-bakit?"

"Bakit ako dapat magalit.."

"Bulag ka ba?! M-muntikan ka na masugatan d-dahil dun sa kutsilyo!"

"Naiwasan ko. Anong pinuputok ng butsi mo?"

"Ewan ko sayo! Ang labo mo kausap!"

"Wala akong sinabing kausapin mo ko"- huling sabi ko at tumalikod na.. kalmado ko syang kinausap kaya ewan ko kung bakit nagaala dragon sya.. isa pa Wala akong sinabing kausapin nya ko.. Idiot.

5 minutes left.. no choice at babalik na ko sa room..
Naglakad ako pabalik hanggang sa natanaw ko na yung elevator.. 10th floor yun at lagpas limang minuto kung mag hahagdan ako..

Saktong paglabas ko ng elevator ay sinalubong ako ng kunot noong panot kong adviser..
"Saan ka nagpunta? Labag sa rule ang cutting classes. Marunong ka naman siguro magbasa maliban nalang kung bobo ka. I'll let you pass this one miss. But once na ginawa mo to ulit... malilintikan ka na"- pilit nya pang kinakalma ang sarili habang sinasabi ito sakin.

"Geh"- lang gana kong sinabi at nagtungo na sa room. Hindi ko na sya tinignan pa. Wala namang igaganda pa.

Pagpasok ay tumingin silang lahat sakin.

Ganyan ba talaga sila? Well hindi nakakatuwa?

Dumiretso na ko sa upuan ko at nagsuot ng earphones dahil paniguradong tatanungin nanaman ako ni gab..

Baby pleaaasee... staaaayyy.. neaaarrrrr.. dont know how i livee without youuu heeerreee🎵🎶

Why do people come and go?

Suddenly fell inloveWhere stories live. Discover now