Prolouge

6 1 0
                                    

"Moana?" Isang tinig ng babae ang aking narinig.

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Balak ko sanang gumalaw ngunit napakasakit ng buo kong katawan. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Puro puti ang aking nakikita. May tao na nakapalibot sa akin. Nasan ako? Sino itong babaeng nasa tabi ko? Sino ang mga taong nakapaligid sa akin? "Nasaan ako?"Nanghihina kong tanong sa kanila.

"Nasa hospital ka ngayon apo." Sabi nung babae na tumawag kanina ng Moana. Sino si Moana?

"Sino ka po?" Nagtatakang tanong ko sa matandang babae na sa tansya ko ay nasa 55+ na ang edad.

Napansin kong medyo nanggilid ang luha ng matanda at may narinig din akong humagulgol. Saglit pa at sumagot na sya sa tanong ko.

" Iha, ako ito. Si Lola Monica mo.." lola? Di ko sya maalala. Bahagya akong ngumiti. Wala akong maalalang kahit ano.

"SINO PO AKO??I CAN'T REMEMBER MY OWN NAME. I CAN'T REMEMBER ANYTHING."yan ang mga katagang binitawan ko.

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon