Chapter 2

6 0 0
                                    

Bumaba ako sa stage at pumunta uli sa mesa ng kaibigan ko. Nginisihan lang ako ni Chase. Ngayon lang kase ako nyan nakitang kumanta at ngayon lang din naman kase ako kumanta. At kung natatanong nyo kapapasok ko lang sa banda na un. Alam nyo nam rocket . Part time job para naman hindi puro bawas ung ginagawa ko sa pera dapat may dagdag din.

"Palakpakan naman natin dyan Chase si Rei. Nakakatuwa ung boses mo . Damang dama mo ung kanta." Sweet na sabi ni Fiona. Alam kong di nya ko plinaplastic or what kaya nagthank you nalang ako pabalik.

Tumabi ako sa kanila ng upo. Naglalayag ang utak ko iniisip ko si Clarence.

"Hoy Rei. Ano ba iniisip mo kanina pa may nagtetext sa phone mo di mo man lang mapansin pansin." Napatingin naman ako kay Fiona na nagsalita at nangitian ko lang sya ng alangin at kinuha ung phone ko na puro text na nga. Binasa ko ung iba. Karamihan galing kay Clarence. Should I block his number?? Arrggh siguro nga dapat putulin ko na ung mga komunikasyon naming dalawa. Kawawa naman ung girlfriend nya. For sure masasaktan un if ever na malaman nya. Blinock ko agad ung number ni Clarence para wala na akong marecieve na call or text nya. Binasa ko ung ibang text messages . Natawa ako sa text ni Casey

From: Kasi naman eh💓

HOY UNGOLA!!DI KA NA NAGPAPARAMDAM!!

Casey Mirales. My only berat bestfriend. LDF kami niyan. LONG DISTANCE FRIENDSHIP. Hahahaha. At sya lang naman ang nakakakilala at nakakaalam ng nga secrets ko . Hahaha. Kahit ganyan yang babaitang yan. Na laging puro kalokohan aba wag ka, mabait yan at mapagkakatiwalaan. Never pa nyan ako plinastik. Saka basta may something sa kanya na nagustuhan ko talaga at nagkasundo kaming dalawa kahit malayo kami sa isa't isa. At kung maitatanong nyo, kung bakit KASI NAMAN EH ung nickname nya sa phone ko kase nga diba CASEY ibigkas nyo ng tagalog word KASI diba? Corny no? Wala na talaga kase akong maisip na ipamwimwisit sa kanya. Hello naman sa tawag nya sakin na UNGOLA diba? Asan ung hustisya?? Where's the Justice? CAPTAIN AMERICA!! CALL THE JUSTICE LEAGUE!! Charott haha so ayun back to the reality na tayo mga ateng at kuya

To: Kasi naman eh💓

Hoy Kasi. Magtigil at ngayon ko lang natripan magload kaya ngayon lang ang paramdam ko.

Sent✔

"So Rei, ano na ba nagaganap sayo ngayon?" Curious na tanong sakin ni Chase. Nginutian ko sya.

" Ayun still. Mag isa parin sa bahay tas sa school naman madaming school works ang pinapagawa. Mamaya nga lang pupunta ako kila Max para mag sleep over dahil sa thesis namin. Sunugan talaga ng kilay nakakaloka." Natatawa kong sabi. Bigla naman suminghap si Fiona na ikinataka namin ni Chase. Nanlalaki ang mata nya at tila di makapaniwala sa nakikita nya. Teka. Ano nga ba ang tinitingnan nya sa bandang likuran ko. Agad akong lumingon sa aking likuran at ganon nalang din ang pagkagulat ko sa kung sino ang nakita ko.

Clarence Santos...

"Mona" Kinilabutan ako sa tawag nya sa akin. Bukod kase sa sya lang ang namumukodtanging tumatawag ng Mona ay ngayon ko lang uli narinig ang boses nya na tinatawag ako sa ganoing pangalan.

Inaayos ko ang aking sarili bago tuluyang humarap sa kanya.

"Clarence.." mahina kong banggit sa pangalan nya. Matagal na din kaming hindi nagkikita simula noon. Binilin ko kase sa kanya na lumayo sya at wag magpakita sa akin. Dahil alam kong makakagulo lang ako sa relasyon nila ng girlfriend nya. But.. oo lumayo nga siya pero still... lagi naman syang tumatawag at nagtetext.. iwas naman ako ng iwas..

Nakita kong muli ang ngiti sa kanyang mga labi..

"Nice to see you again Mona" Nakangiti nitong bati. Ngunit nagtatakang mukha naman ang naipakita ko sa kanya. Bakit sya nandito. Pano nya nalaman na nandito ako. Ghaddd

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon