Chapter 1

8 1 0
                                    

Ang daming tao ngayon. Sabagay ano pa ba bago? Tsk. Eh lagi namang matao dito sa terminal. By the way nasa terminal nga pala ako. Bakit? Syempre wag kang tanga sasakay kase ako. Charott hahaha Sorry for the word tanga narinig ko kaseng nagsalita ung babae eh haha. Pinagagalitan nya ung namamalimos? Kawawa nga ung bata eh sinabihan ng tanga saka sinigawan. Hayts ang lupit ng babae. Napakamalupit nya para sa mga ganoong bata na nanghihingi lang ng tulong. Makalipas ang ilang segundo ay may huminto na sa harap ko na sasakyan. Tiningnan ko kung anong oras na haytss. Gabi na din pala. 7:30 na may pupuntahan pako mamayang 8:30 makauwi na muna.

Umupo na ako sa sasakyan may nakatabi akong isang bata at isang matandang babae. Sa tingin ko ay magnanay sila.

"Anak kelan mo gustong umuwi sa probinsya?" Sabi ng babae. Nanatili akong nakatingin sa malayo habang pinakikinggan sila

"Hmmm. Mama siguro sa birthday nalang po ni Ate." Napatingin ako sa bata. Nangiti ako ng bahagya dahil ang cute nyang mag isip kung kelan nya gustong umuwi sa kanila.

"Osige anak. Tatawag ako mamaya sa Ate mo para ihanda na nya ung kwarto mo" nakangiting sabi nung babae ngiti lamang ang ibinigay ng bata.

Hayts. Naalala ko tuloy bigla si Lola Monica. Namimiss ko na sya. Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula ng mamatay sya. Napakahirap tanggapin nun para sa akin. Si Lolo Renz naman ay sinundan din si lola tatlong araw makalipas ang pagkamatay nito. Iyak ako ng iyak nun. Sadyang napakasakit lang mawalan ng mga minamahal sa buhay.

*ting*

Nabalik ako sa katotohanan at napansing nandito na pala ako. Bumaba ako at naglakad papasok sa looban papunta sa bahay namin nila lola. Mag isa nalang ako sa bahay naun. Modern ang pagkakayari ng bahay namin. Medyo malayo to sa kalsada pinasadya iyon ni Lolo para daw mahangin medyo bukid na din kase to. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nangiti ako ng mapait dahil napakalungkot salubungin ang napakatahimik na bahay na ito na dati ay napakasiglang tingnan.

Pumasok ako sa kwarto ko at umupo saglit sa kama. Magpapahinga muna ako saglit bago ako maligo.

"Kringg.. kring... sa telepono may tumatawag.. ang telepono sagutin natinn---" kinuha ko ang phone ko na tumutunog. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag.

"Yes my dear friend?" Bungad ko ng nakangisi kahit wala naman sa harap ko ang kausap ko.

"Gaga ka talaga. Puro ka kaberatan mo Moana" natawa ako sa sinabi nya.

"Easy lang Max. Hahaha init naman ng ulo mo" tawa ko kay Max. Siya si Maxine Silvestre. Kaibigan ko sya simula pa first year high school kaya kilala nya na ako. Nga pala kayo ba? Kilala nyo na ba ako? Haha mamaya magpapakilala ako sa inyo. Sandali muna at kakausapin ko lang tong berat kong kaibigan.

"Ha ha ha. Nakakatawa ka teh. May gagawin pa tayong thesis girl. Punta ka dito sa bahay mamaya sleep over?" Oh kaya naman pala.

" oo na Max. Sige na ibaba ko na to may gagawin pa ako. Mga 10:30 ako makakapunta dyan." Sabi ko sabay patay sa tawag nya ni hindi ko man lang sya hinayaang makasagot. Bastos ba? Haha sorry na ganyan kami eh haha sanayan nalang haha.

Ako nga pala si Moana Rei Tan. Isa akong.../nag isip; aahmmm... ISA AKONG TAOO!! CHAROTT HAHAHA isa akong HAPPY GO LUCKY PERSON. Sorry kanina di ako happy nung paauwi ako hahaha nagdrama lang ng onti hahaha. Moana ang tawag sakin ng mga kaklase ko ung iba naman ay Rei . Ung bestfriend ko naman tawag sakin Ungola. Badtrip kaya ung nickname na binigay sakin. Ungola daw ba jusq nakakaloka. Bakit ungola? Kase daw my name comes from english word called MOAN in tagalog UNGOL. The fudge lang sino matutuwa sa pinalayaw sakin naun... buti nalang at di pa uli kami nagkikita nun. SIGE NA BABYE NA MALILIGO PA ANG UNGOLA NYO!! PWE KABAHO PAKINGGAN HAHAHA

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon