Je Fais

3.9K 138 27
                                    

Cards on the table, we're both showing hearts.

Risking it all though it's hard.

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------

I.

"I, Adi Lopez, take you to be my beloved wife..."

Halos hindi ko maitago ang kaba sa aking dibdib. Ako lang mag-isa sa silid na iyon, nanginginig habang hawak ang isang maliit na kulay rosas na papel kung saan masuyo at buong pagmamahal kong isinulat ang mga pangako ko para sa kanya patungo sa habambuhay.

"To stay by your side whatever the odds may be..."

Nauutal ako habang ineensayo ko ang mga linyang iyon. Kaytagal kong hinintay ang araw na ito. Ang mapakasalan siya, sa kabila ng pagtutol ng komunidad sa ganitong relasyon--pareho kaming babae. At pagkatapos ng ilang mahahabang panahon ng pakikipagtalo at pagtatanggol ng ilang samahan upang maging legal at katanggap-tanggap ito, sa wakas ay unti-unti na itong niyayayakap ng lipunan.

"To love you unconditionally from this day forward..."

Isa, dalawa at tatlo pang buntong hininga. Hindi ko talaga maitago ang kabang nadarama ko ngayon. Patuloy sa pagkabog ng sobrang lakas ang dibdib ko at hindi ko maiwasang matuyuan ng lalamunan. 

"To forever with you."

Napaupo ako sa isang sulok habang iniingatan kong magusot ang aking suot na amerikana. Kulay itim ito at talaga namang sukat na sukat sa akin. Tinernuhan pa ng itim ding kurbata at pabangong siya ang namili dahil napaka-partikular niya pagdating sa amoy ko.

"Okay, Adi. Okaaay."

Para akong tangang kinakausap ang sarili ko. Ilang minuto pa at magsisimula na ang seremonyas. At ako, eto, hindi ko maituwid ang mga pangakong bibitawan ko para sa kanya mamaya sa harap ng altar--sa mata ng Diyos, at sda mga ng mga kagaya naming tao.

"I, I, Adi Lopez, take you to be my belo--"

Maya-maya pa ay may isang pigura ng tao akong nakita papasok sa kwartong kilaroroonanan ko. Hindi maaaring makapasok ang sinuman dito, paanong napunta siya dito sa silid na ito.

"Ah, excuse me, Miss. Hindi diyan ang--"

O. Dyos ko!

Halos malaglag ang panga ko at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makilala ko kung sino ang nasa harap ko.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Mahaba ang buhok, hanggang balikat at mukhang hindi pa nagsuklay. Maputla at walang ayos ang mukha, magulo at madungis ang damit at tila ba wala sa sarili.

Imposible.

Je FaisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon