Chapter 7: Hinala ni Sophia

37 4 2
                                    

Dedicate ko po itong Chapter na ito sa aking Bestie!! Wee~ *kaway kaway* HahaXD. Ang galing niya pong Author Promise Basahin niyo din po yung story niya. "Miss Baddy Two Shoes" Ganda niyan promise. Hekhek^^ So ito na Guys ang Chapter 8! Enjoy Reading :))

*****CHAPTER 8*****

Jasmine POV

Masaya akong pumasok sa room dahil hindi parin ako nakakamove-on sa ginawa ni Savier. Sige nga sinong hindi kikiligin sa ganong klase ng Lalake? Sabihin niyo nga sakin.

"Wow ang galing mo talaga Jasmine, Nakakabilib ka rin. Biruin mo nauto mo ulit si Savier? Ano ba kasing meron sayo? Ha? Siguro ginayuma mo siya noh?" Sabi ni Amanda

"Anong ginayuma? Hindi ko gagawin yun. At pwede ba tigilan niyo na ako!" umalis na ako dahil ayoko ng away kaso hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"At saan mo naman balak pumunta? Hindi pa tayo tapos" mataray na sabi ni Amanda

"HOY! Tigilan mo nga yang Besti ko!" lumapit samin Si Lorraine para awatin sila amanda. Salamat besti! Buti na lang dumating kayo ^___^

"Isa kapa ang landi mo rin Eh. Wag mo ngang malapit lapitan si Luke!" sinong Luke?! Napatingin ako kay Lorraine ngunit umiwas lang siya ng tingin si Sophie naman tinaasan lang ng kilay si Lorraine

"EH kasalanan ko bang pinanganak akong Maganda? Saka FYI si Luke ang lumalapit sakin hindi ako! Kaya pwede ba tigilan niyo ako! at tigilan niyo din yung Besti ko! Mga Echosera!Mukha namang Palaka! Eww. " tapos hinila ako ni Lorraine palayo sa kanila.

hindi na rin naman kami hinabol nila Amanda. Natakot na rin siguro kay Lorraine. Medyo may pagka war freak kasi tong babaeng ito. Pero sino ba yung Luke na yun? Mukhang may tinatago samin si Lorraine ahh.

"Sino si Luke?" tanong ni sophie habang nakataas ang kilay

"A-ahh, amm. Manliligaw ko. hehe" 

"WHAAATTTT!!!" sigaw ko 

Nung tumingin ako kay Sophie Tumaas lang yung kilay niya kaya binalik ko na lang ang tingin ko kay Lorraine

"Bat ngayon mo lang sinabi?" 

"Nahihiya kasi ako sa inyo eh" Sa tingin ko mas lalong tumaas yung kilay ni sophie, Paano ba naman, parang hindi si Lorraine ang kaharap namin. Eh wala nga yung hiya samin eh. Ano toh?

"Sino ka? Hindi ikaw si Lorraine. Dahil ang lorraine na kaibigan namin walanghiya" daretsong sabi Sophie

"Eh kung Ikaw kaya diyan yung walanghiyain ko? Ha?" Hayy nako nagkamali pala kami. Wala siyang pinagbago. Wala po -__-

"Edi tumino ka din. Tss" tumingin sakin si Sophie at inabot yung cellphone ko "Oh ayan na yung Cellphone mo"

The Cure for a Broken Heart (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon