A girl with a broken smile, also known as juliet, in the story of romeo and juliet. But in this story she has a broken smile but she is not juliet.
Nakatira si anica sa caloocan, she maybe not rich but not poor also. Ang ina nalamang niya at ang kapatid ang kasama sa pang araw araw na buhay, highschool lang ren ang natapos nya, kaya hirap siya makahanap ng magandang trabaho, samantalang ang kanyang ina ay labandera lamang, kulang pa para sakanila ang perang sinusuweldo.
Nagluluto ang ina ni anica habang siya ay tinuturuan ang kapatid, hindi na rin nakapag aral ang kapatid dahil sa kakulangan ng pera. Hindi alintana ng ina na ang kanyang niluluto ay unti-unti ng umuusok at mag aapoy na ito. Bahagyang napatingin naman si anica kung nasan ang ina na noon pala ay nasa cr, bigla na lamang lumakas ang apoy dahil na rin sa mga plastik na nakapalibot dito, hindi alam ni anica ang kanyang gagawin, kaya hinila na lamang nya ang kanyang ina at kapatid upang makalabas sa bahay na nasusunog.
Nagalit sa kanila ang nagpaparenta ng bahay kaya pinabayad sa kanila ito, pinambayad ng kanyang ina ang natitirang pera nila sa kanyang bulsa. Hindi na alam ni anica kung san sila pupunta, iniisip nya rin kung san sila matutulog mamayang gabi, ano ang kakainin nila, san sila kukuha ng pera.
Habang naglalakad sila ay may humintong magarang kotse sa kanilang harapan, binuksan nito ang bintana ng sasakyan, "Anitha! Bat kayo naglalakad? Hali kayo at sumabay na kayo sa akin!" ani ni synthia, ito ay galing sa europe kakauwi lamang nito kahapon at namamasyal ngayon. Kababata ito ni anitha, ang nanay ni anica.
"Anitha naman! Bat mo naman pinaglalakad ang mga anak mo, tignan mo naman ang tirik ng araw pwede na atang makasunog ng tao" bigla tuloy naalala ni anica ang pagkasunog ng kanilang inuupahan. Iniisip niya pa rin kung san sila matutulog mamayang gabi.
"San ba kayo nakatira? Ng mahatid ko na kayo" ani ni synthia na kanina pa nagtatanong ngunit wala pang sumasagot sa kanya.
"Wala na po kaming bahay, nasunog po ang inuupahan namin" ani ni anisha na nakababatang kapatid ni anica, hiyang hiya pa ito nang sinabi nya iyon."Ayy bat di nyo naman agad sinabi sakin, edi sana kanina pa tayo pumunta ng maynila, meron akong bahay don hindi ko na nagagamit dun nalang muna kayo" nabuhayan ang mag-iina nang marinig iyon, di makapaniwala si anica sa sinabi ni synthia, hindi nya na iisipin kung san sila matutulog mamaya at kung san sila kakain.
Nasa byahe pa rin sila, nakatulog ang mag-ina, pero si anica bukas na bukas pa ang mata, na animo'y kinakabisado ang daan, "Iha ikaw ba ang panganay ni anitha?" Tanong ni synthia na ikinagulat ni anica dahil akala nito ay natutulog si synthia "Ahm opo" napangiti naman si synthia doon. "Ambilis mong lumaki, parang dati lang e" hindi na tinuloy ni synthia ang kanyang sasabihin, at tumungo nalang ito sa harap ng sasakyan. Habang si anica naman ay takang taka sa mga pinagsasasabi ni synthia.
©All rights reserved
PLAGIARISM IS A CRIME!!!
YOU ARE READING
Girl with a broken smile
FanfictionA girl with a broken smile, she thought she could be happy, but destiny is so selfish for her.