Chapter 2

931 16 2
                                    

Di makapaniwala si anica sa nakikita nya ngayon, mas malaki pa ito sa kanilang inuupahan. "Oh dito muna kayo ha, wag kayong mag alala sakin ang lahat ng gastos" ikinagalak ng mag-iina ang sinabi ni synthia. "Maraming salamat synthia, di ko alam ang gagawin ko kung di mo kami nakita" naluluhang sabi ni anitha. Tumango lang si synthia bilang sagot.

"Anica? Hanggang san ang iyong natapos?" hindi nagalinlangan si anica na sagutin ang tanong ni synthia. "Highschool lang po ang natapos ko" medyo nahihiyang tugon ni anica. "Papag aralin kita, kung ok lang sayo, dun ka nalang din mag aral kung san nag aaral ang anak ko" halos di maipinta ang mukha ni anica mg marinig ang mga iyon "Salamat po ahm-?" Naguguluhang tanong ni anica, di nya alam kung ano ang isasagot nya kay synthia, "Tita synthia nalang iha" nakangiting ani neto, ngumiti nalang si anica bilang sagot.

"Tatlo ang kwarto rito, kayo na ang bahala mamili kung san kayo, may pumapasok rin na katulong dito para maglinis at maglaba, anitha sumama ka sakin bukas ng 3pm maghahanap tayo ng iyong trabaho, teka dala mo ba ang iyong mga papeles?" Wala na silang nahakot na kahit anong gamit nung nasunong ang kanilang inuupahan. "Nadamay lahat sa sunog synthia" nahihiyang wika ni anitha kay synthia. Tumango tango lang si synthia na animo'y may iniisip. "Sige, ako na ang bahala, ahmm linggo bukas, magsimba tayo, papadalhan ko kayo ng mga damit dito. Bigla namang kumislap ang mga mata ng nakababatang kapatid ni anica, dahil gustong gusto neto na nagsisimba.

"Maraming maraming salamat synthia, wag ka magalala pag medyo nakaluwag at nagkaron ng pera babayaran kita sa lahat ng kabaitan mo" ani ni anitha na umiiyak, niyakap na lamang siya ni synthia. "Oh sige mauna na ko, magpahinga na kayo" tumango lang si anitha at ngumiti naman ang magkapatid sa kanya

Anica's POV

Hayyyy di pa rin ako makapaniwala na nakatira na ko sa ganitong klaseng bahay, ang laki laki kase. Umakyat na ko sa may mga kwarto sa taas hindi na ko pumili ng kwarto basta kung saan ako makapasok yun na yun, at ang ganda ng napasukan kong kwarto, black and white yung design nya, may cr, tapos may walk in closet na rin, kaso walang damit haha.

Di ko namalayan naka idlip na pala ko.



Hi! Sana magustuhan nyo! First story ko to, sana suportahan nyo! Btw vote/comment kayo para ganahan ako mag update at masubaybayan nyo ang buhay ni anica!

Girl with a broken smileWhere stories live. Discover now