Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

5. I Caught you

189K 6.4K 539
                                    


Suddenly, I was out of control. If Doctor Wolf had somehow sensed that I was a threat and decided to quietly kill me here, magagawa niya. I focused myself in pleasing him, dahil iyon na lang ang natitirang bagay na pwedeng magsalba sa akin. As I bent my mouth to kiss him, he stopped me.

Katapusan ko na ba?

Aware ako sa maliit na radyong nasa tainga niya as if someone from the control room was guiding him what to do. Nalaman na kaya nila ang lihim kong plano? Pero paano? I alerted my body, alam ko kung gaano kabangis pagdating sa laban si Doctor Wolf at maaaring wala akong panama sa galing niya pero hindi ko basta basta isusuko ang buhay ko nang ganun ganun na lang. Kung mamamatay ako ngayon, mamamatay akong lumalaban. Yun ang turo sa akin ng stepdad ko, at yun ang nakatanim sa utak ko hanggang ngayon.

"As much as I would like to be alone with you tonight, something came up and I think you need to get back to your Boss now...someone tried to shoot him dead," halos bulong sa akin ni Doctor Wolf sa kanyang malalim at malamig na boses.

Nanlaki ang mga mata ko. Anong sinabi niya? "What?"

Hindi na kami nag aksaya ng oras, mabilis niyang pinindot ang elevator para ibalik kami sa pinanggalingan namin. Nang bumukas ang pinto nasa isang hindi pamilyar kaming lugar. Ibang floor ang napuntahan namin, hindi iyon sa kwarto kung saan inadadaos ang auction.

"Where is he? Is he still alive?"

"Yes. Fortunately. My men escorted him in one of these suites. Malalaking pinto ng kwarto ang naroon na floor na iyon. Makulimlim ang liwanag na nagmumula sa mga gilid lang ng pader. Namataan kong lumabas ang ilang mga gwardiya sa isang kwarto apat na pinto ang layo mula sa elevator. Malamang ay naroon si Mr. Choo. Nang lingonin ko sa likod ko si Doctor Wolf nawala na siyang parang bola. Napamura ako sa sarili ko, bakit kailangang magkaroon ng isang di inaasahang insedente sa araw na ito? Hindi ko pwedeng baliwalain si Mr. Choo dahil siya ang cover ko, maghihinala silang lahat kapag hindi ako nagpakita ng concern sa taong binabantayan ko.

I heard a discreet sound of a gunshot from my back, I automatically ducked. Napagulong ako sa sahig. Inabot ko ang maliit na baril na nakasoksok sa boots ko. What the hell! Someone just tried to shoot me as well. Nagmarka ang bala ng baril sa eleganteng dingding ng lugar. Nagtago ako sa isang malaking mahogany vase. I need to get Mr. Choo out of here bago pa mas lumala ang sitwasyon. May sniper na tumatarget sa akin at isang maling galaw ay patay ako. Huminga ako ng malalim nang takbuhin ko ang kwarto patungo sa kinaroroonan ni Mr. Choo. Sinundan ako ng mga balang sunod sunod na pumutok mula sa likuran ko. Pagbukas ko ng suite, unang tapak ko pa lang sa sahig ng kwarto, umuga iyon at bumigay.

Napasigaw ako nang mahulog ako at bumagsak sa auction room. Malambot na kutson ang binagsakan ko pero napapalibutan ako ng mga gintong rehas. Nasa loob ako ng isang malaking hawla. What the fuck is going on? Is this a trap? Umahon ang kaba sa dibdib ko nang lahat ng mga mata ng mayayamang businessmen na kasali sa auction ay natuon sa akin. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Napilitan akong bumangon at tumayo mula sa pagkakalugmok. Nang tumingin ako sa malaking monitor, napamura ako. Ako na ang susunod na item na ibi-bid nila!

Shit!

Namataan ko ang nakamaskarang si Doctor Wolf. I shot a glare at him. Pinlano niya ba ito? Lumapit siya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kwestyunin siya.

"What's going on, did you trap me on that door? Did you plan all this Doctor Wolf?" asik ko sa kanya sa mahina ngunit madiin na tono.

"No. I didn't. We had kept Mr. Choo safe and sound upstairs while we're searching for the culprit. It looks like...you entered the wrong room."

Dare to Kiss the Devil (Published under Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon