"Irog sandali naman oh." Hinihingal na nahinto ako kasabay ng pag hinto din nito nang hindi man lang ako nilingon.
"Irog ko bakit ba ayaw mo parin sakin? Ganun ba ko kapanget? Masama ba ugali ko? Hindi mo ba type yung lasa ng mga bake goods ko? Lahat naman ginawa ko na pero di mo parin ako pinapansin. Sabihin mo nga, anu ba talaga ang dapat kong gawin?"
"Gusto mo talaga malaman?" Tanong nito ng hindi parin lumilingon.
"Oo. Gusto-"
"Layuan mo na ko. Tigilan mo na ang kaasunod mo sakin. Wag mo na kong bigyan ng kung ano-ano at-" saglit itong huminto. "Kalimutan mo na ko." Saka tuluyan na itong naglakad palayo.
Kasabay ng pagkawala niya sa paningin ko ay ang pag agos ng masaganang luha mula saking nga mata. Ansakit. Ang sakit sakit.
Ngayon lang siya nagsalita ng mahaba, at nakakasakit pa."Kung yan ang gusto mo, yan ang gagawin ko.
Simula ngayon hindi na kita iniirog Craige Lucas Montezor. Kakalimutan ko nang mahal kita."
Pinahid kong mga luha ko at nag lakad pabalik sa room na parang walang nangyare, di ko man lang napansing umabot kami sa field kakasunod ko sakanya at kaiiwas niya sakin mabuti at school hours pa kaya walang pakalat kalat na studyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/128226080-288-k416701.jpg)
YOU ARE READING
Just the way you are.
Ficción GeneralI loved him since I was a kid. He hates me since then. I chased him. Did everything just for him to love me back but I always end up busted. And then he wish to get rid off me out of his life. And so did I. Broken. My heart is broken. And I hate him...