CHAPTER TWO

6.8K 109 1
                                    

MALALIM na ang gabi nang makauwi si Bridgette. Malayo pa lang ay alam na niyang tulog na ang mga kasama sa bahay. Patay na kasi ang ilaw sa sala na agad mapapansin dahil laging bukas ang bintana nila sa harap.

Binuksan niya ang gate at tahimik na pumasok sa loob ng bahay. Hindi na niya binuksan pa ang ilaw sa sala dahil ayaw niyang magising ang mga magulang. Habang papunta sa kwarto ay narinig ni Bridgette na nagsalita ang papa niya mula sa kabilang kwarto. Kausap nito ang mama niya.

Gising pa pala sila.

Hindi sana balak ni Bridgette na makinig sa usapan ng mga magulang pero hindi niya maiwasang ma-curious.

"Sa Enero pa mabebenta 'yong mga baboy natin," sabi ng papa niya.

"Kailangan ay magawan natin ng paraan para hindi mailit ng bangko itong lupa natin. Kailangan na nating mabayaran 'yong utang sa bangko within three months," sabi ng mama niya.

"Sige, gagawan ko ng paraan para makaipon ng pambayad."

Katahimikan ang namayani sa buong kabahayan nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang mama niya.

Nagulat ito pagkakita sa kanya. "O, d-dumating ka na pala. Ginabi ka yata?"

"G-gising pa pala kayo," imbes ay sagot ni Bridgette.

Naglakad ang mama niya papunta sa dining at kumuha ng tubig. "Kumain ka na ba? Bakit hindi mo buksan 'yong ilaw?" tanong nito pagkatapos uminom.

"Hindi pa po. Pero hindi naman ako gutom. Patulog na rin ako. Pagod ako sa shoot. Na-extend 'yong shooting namin, eh. Ang dami kasing aberya."

"Gano'n ba? Sige na, magpahinga ka na," wika nito bago binuksan ang pinto ng kwarto.

"'Ma."

Bago tuluyang pumasok ay nilingon siya nito. "Ano 'yon?"

Hindi alam ni Bridgette kung magtatanong siya rito tungkol sa narinig. Gusto niyang makatulong sa mga magulang pero nag-aalinlangan siyang magtanong. Hindi iyon ang tamang oras at lugar para pag-usapan iyon.

"W-wala po. Sige po, goodnight."

Ngumiti lang ang mama niya bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

PAUWI na si Bridgette isang hapon galing ng trabaho nang maalala na naman niya ang narinig na usapan ng mga magulang. Hindi niya akalaing may matinding problema na dinadala ngayon ang mga magulang dahil hindi man lang niya iyon napapansin.

Nasa LRT na siya nang maisipang tawagan ang ina.

"Hello, 'Ma?"

"O, anak, napatawag ka?"

"Nasaan kayo, 'Ma? Kain tayo sa labas. Treat ko."

"Sige. Saan tayo magkikita?"

"MATT, bakit ba isinama mo pa ako rito?" naiiritang tanong ni Takehiro kay Matthew. Nakaupo sila sa labas ng isang coffee shop na nasa loob ng isang mall. Nagkataon na ang inookupa nilang mesa ay halos katapat lang ng escalator.

"Ano ka ba? Okay na rito. Minsan kasi, lumabas ka naman sa lungga mo." Tinapik siya ni Matthew sa balikat, pagkatapos ay tumingin-tingin sa paligid. "Malay mo, dito mo pala makikita ang 'love of your life.'"

Napailing na lang siya.

"Maraming chicks dito. Dito kasi dumadaan ang mga estudyante galing LRT."

Hindi na lang niya pinansin ang kaibigan. Humigop siya ng kape na in-order nila kani-kanina lang. Habang lumilinga-linga sa paligid ay may nakaagaw ng pansin niya.

The Artist's First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon