CHAPTER 2 (Lagnat)

1 0 0
                                    

Eya Meghan Delprado's P.O.V

"Eya, gumising ka na! May pasok ka pa!!" Boses ni kuya Eys ang kumakalabog sa pintuan ko.

Anong oras na ba? Huhuhu. Ina-antok pa ko ah. Hayst.

"Ano ba Eya!?" Galit na sita niya.

"Eya, gumising ka na dhai." Ani Yaya suseng.

Ayaw ko ma'ng gumising. Gumising nalang ako.

"Eto na po. Gigising na. Ano bang meron?" Sita ko sa kanila habang pilit na kinukorap dalawa kong mata.

"Basta. Bilisan mo. May bisita ka!" Natigilan ako sa huling salitang binitawan niya.

H-huh? S-sino naman yun?

Hindi na ko sumagot kung sino yun. Binilasan ko nalang gawa ko. Pagkatapos maligo nagbihis ako kaagad tapos lumabas. Agad ako pumunta sa sala kong saan bumungad sa kin ang mukha ni kuya Eys Mhour, ni yaya, at... At... At Ysa? Natigilan ako. H-huh? Paano? Paano niya nalaman ang address ng bahay? Whut?? She's indeed a nerd!

"Hi Eya!" Nakangiting sita ni Ysa. Sabay kaway sa'kin.

"H-hello." Kahit nalilito ay sumagot ako at sinuklian ang kaway nya pero walang kabuhay buhay yon.

"Ano Eya? Tara na!?" Sita nya sakin at akmang tatayo.

"Pupunta na po kami kuya." Paalam ko kay kuya Eys at kumaway sa kanya. Wala naman syang reaksyong nag nod kaya nagpatuloy na kami ni Ysa.

Palapit na kami sa gate namin ng maalala ko kong bakit nya nalaman bahay namin.

"Ysa,... panimula kong nagpatigil sa kanya kaya natigilan din ako.."B-bakit mo n-nalaman address ng bahay namin?" Bigla syang natawa. Ano ba tong babae'ng to? Smiley girl gannon?

"Magkaibigan kasi kuya mo at kuya ko. Kaya tinanong ko sa kuya ko kung saan address ng bahay niyo." Tuloy-tuloy nyang sita sakin at tumuloy na rin sa paglalakad.

"Ahh." Maikli kong sagot sa kanya. At nagpatuloy na.

Mabilis kaming nakasakay ng taxi. Hindi na kasi ako/kami hinatid ni manong, driver namin. Kaya nag commute nalang kami. Nakarating na kami
sa gate ng DEMELOF UNIVERSITY. Pagpasok namin dito, agad akong hinila ni Ysa papuntang 4th floor ng building. Hanggang 4th lang kasi building ng Demelof, 1st floor para sa mga freshmen, 2nd floor para sa mga sophomore, 3rd floor para sa mga 3rd year at 4th floor para sa min mga 4th year highschool. May apat na rooms ang bawat curriculum. Nasa section A ako. Himala diba? Hahaha. Shhhh.

"T-teka lang hinihingal ako Eya." Hingal na sita ni Ysa sakin habang hinahabol ang ginhawa.

Malapit na kami sa room namin ngayon. Nakaka hingal naman talaga. Walang elevator dito kaya patakbo ang ginagawa namin ni Ysa.

"Hays. Sino ba namang hindi mahihingal ng ganto ka taas building?" Sita ko sa kanya.

Pareho na kami ngayong naghahabol ng ginhawa. Nang maka bawi, hinatak agad nya ako pabalik ng room namin. Uupo na sana ako---

"Good morning ma'am Alvear." Bungad naming lahat.

"Good morning. You can sit now." balik nya samin.

Katulad ng sinabi nya ay ginawa namin. As usual katabi ko ang dalawa, 'The Bruha' and 'The Mister Nerdong Leigh daw pangalan'. Tinuon ko nalang ang paningin ko sa board at kay ma'am Alvear na ngayon ay nagsusulat sa board habang walang reaksyon gannon din ang sumunod kong subjects. Le boring. Puro seryoso. Kung di lang sana ako ipinasok dito ni kuya. Mag tutor nalang kaya ako? Ay, wag nalang sayang tuition na binayad ni kuya. Tsh!

Pagkatapos ng Lunchbreak ay umuwi ako. Wala kasi akong mood makipag kausap sa mga tao ngayon at wala ako sa mood mag aral. Feel ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Pagtapat sa gate namin. Si kuya agad nakuha ng paningin ko. Anong ginagawa nya sa labas ng bahay?

"O, bakit ka umuwi? May pasok ka pa ah?" Bungad niya sakin.

"Kuya, mabigat pakiramdam ko." Walang buhay kong sagot sa tanong niya.

Mabigat naman talaga at parang babagsak na ko ano mang oras. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni kuya ang noo ko.

"May lagnat ka." Kumento nya pagkatapos hawakan ang aking noo.

Hindi na ko nakasagot nanlambot ang tuhod ko at kusang nawala ang paningin ko kaya bumagsak ako.
____________________________________
•Author here•

Pic po ni Eya sa taas😍 did you enjoy the story?😘
____________________________________

That Nerd's A Spy Pt.1Where stories live. Discover now